"Bat hindi ka lumaban?" Tanong niya ako ng yumakap siya sakin.

"A-ano kasi, ayaw kong makapatay tulad ng dati, hindi ko makontrol kapangyarihan ko Nichole, wala akong maalala pag katapos kong gamitin ito", sabi ko at nilayo ako mula sakaniya at tinginan ako.

"Nasan ba sila Cyrus? Dapat siya ang to the rescue dito ah!" Sabi niya at gusto ko matawa sa reaksyon niya.

"Pinayagan ka ni Yves bumalik dito?" Tanong ko at medyo namula siya ! Hala! Namula siya!

"A-ah o-oo, pero susunduin niya daw ako pag katapos ng kasal mo, gusto sana niya na samahan ako pero ayaw niyang gumawa ng eksena sa mismong araw ng kasal mo eh", sabi niya at napangiti ako, ngayon ko napatunayan na hindi totoo ang sinabi nilang malupit si Yves. Dahil kung totoo yun, dapat hindi niya pinayagang umalis si Nichole at base sa itsura niya alagang alaga siya doon, nanaba siya eh.

"Tara lakad lakad muna tayo namiss ko makipag kwentuhan sayo", sabi ko at tumawa siya, may maze sa garden na ito kaya doon na kami nag lakad lakad.

"Kumusta doon?" Tanong ko at napangiti siya, sabi na eh mabait ung Yves na yon.

"Masaya pero nung una hindi ako tanggap ng pack niya, syempre dhampir ako eh, pero kalaunan natanggap narin nila ako at maganda pakikitungo nila sakin pero hindi naman lahat", sabi niya at umiling.

"Bakit? May nang aaway sayo?" Tanong ko agad at tumawa siya ulit.

"Parang, pero dahil hindi napunta sakanila si Yves, nakakaloka nga eh, may naabutan akong babae sa opisina ni Yves, naku bwisit na bwisit ako! Kitang kita ko na pagod na pagod si Yves kaya ang sarap ng tulog tapos itong babae pumasok sa loob ng opisina at nag simulang mag hubad! Aba! Hindi ko na hinintay na hawakan niya si Yves kinuryente ko na agad!" Sabi niya at humagalpak ng tawa, napatawa narin ako dahil hindi ko alam na may pag ka possessive itong babaeng to.

"Alam mo hindi ako naniniwala sa naririnig ko na malupit si Yves", sabi ko at nagulat siya at ngumiti.

"Naniwala din ako noon sa ganyan, na malupit ang Alpha king, na pumapatay agad ito ng hindi nya kauri o di kaya ay papatay ng hindi susunod sakaniya", tumigil siya bigla sa pag lalakad.

"Pero nang nandoon ako, kahit may pag ka agresibo siya, maalaga siya, ilang beses niya nang sinabi na ihatid niya ako dito para makasama kayk tapos susunduin niya ako, pero hindi ako pumayag", sabi niya, hindi ako nag salita para mag patuloy siya sa sinasabi niya

"Nakikita ko kasi sa mata niyang parang napipilitan siya, na pag sinasabi niya yun parang may mawawala sakaniya, nito lang kami nag kaayos at nag kausal ng maayos, pinaintindi niya sakin lahat at naintindihan niya din ako, mabait siya Chelle, sobra, wala akong masabi" sabi niya at napangiti ako, kumikinang ang mga mata niya nang mag simula siyang nag kwento tungkol kay Yves, sana ganyan din si Cyrus.

"Noong last week, inaway ako ng isang babaeng hindi ko naman kilala dahil daw nangengeilam ako sa kusina niya eh dhampir lang naman daw ako, narinig ni Yves yun, galit na galit siya pero hindi niya sinaktan yung babae, pinagalitan lang tapos nagulat nalang ako ng bumili siya ng bahay, two storey house ilang minuto lang layo sa pack house. Para daw magawa ko lahat ng gusto ko ng walang nakekeilam sakin", natawa ako kasi bigla siyang namula na para bang may naalala.

"Nako! Napadami na ako ng kwento! Ikaw? Kayo ni Cyrus? Kumusta na? May improvements na ba?" Tanong niya pero bigla niyang napatingin sa likod ko at napangiti. Pag lingon ko nandoon ang pinag uusapan namin.

"You're back, and your pretty much okay", Sabi nya at di ko sya matingnang ng deretso. nagulat siya ng makita si Nichole kaya napangiti lang si Nichole.

"Yup! Iwan ko na muna kayo hanapin ko lang si Abie abie! Bye!" Sabi niya at tumakbo palayo, pahamak talaga tong babaeng to. Ang ackward tuloy namin dito, napayuko tuloy ako.

"What's that?" Tanong niya kaya napakunot noo ko, tumingala ako at nakita kong nasa tabi ko siya at nakatitig sa pasa sa braso ko, sabi na eh, papasa nanaman ito.

"W-wala yan", sabi ko pero bigla niya akong hinila sa beywang.

"Don't lie to me Rachelle", madiin niyang sabi, napakalamig nang boses niya, nakatitig lang ito saakin.

"Sino may gawa sayo niyan?" Pagalit niya nang tanong sakin, napayuko ako, pag sinabi ko sakaniya baka kung ano pang gawin niya sa lalakeng yun. Ngayon ko lang napansin na naka rugged jeans lang sya at V-neck shirt, pero ang mukha niya, ang gwapo nga kaya lang nakakatakot siya tingnan.

"Ako", bigla kong narinig ang boses ng lalake kanina na hinaharass ako. Gusto niya ba talaga mamatay? Kitang kita sa mukha ni Cyrus ang pag pipigil niya ng galit samantalang yung lalake prente lang siyang nakatayo na para bang kampante siyang walang gagawin si Cyrus sakaniya.

"Do you have a death wish Soriano", madiin na sabi niya at kinuwelyuhan ito. Bigla lang tumawa yung lalake.

"I dare you to kill me Arce", pag hahamon niya, at tumawa ito ng malakas. Bakit siya ganun? Gusto niya batalaga mamatay?

"You can't even hit me! Takot ka dahil alam ko lahat ng baho mo! So I dare you to kill me!" Tumawa ito ng tumawa at nakapamulsa lang ang kamay nito sa pantalon niya. Biglang ngumiti si Cyrus at binitawan yung lalake.

"You don't have to dare me Soriano", simple niyang sagot at bigla niyang hinawakan ang mag kabilang side ng ulo nung lalake at pinihit ito, hindi pa siya nakuntento pinihit niya ulit ito sa kabilang side, siniguradong naka detached na ang ulo nito pero mukhang naka attach parin dahil sa balat nkya. Lumapaypay na natumba yung lalakeng nanakit sakin, hindi na siya gumagalaw, hindi na tumataas baba ang dibdib nito lara ipahiwatig na buhay pa siya.

Cyrus killed him.

"Are you scared?" Tanong sakin ni Cyrus, nakatitig siya sakin, binabasa ang mukha ko, inaalaman kung anong reaksyon ko. Natatakot ba ako? Tinitigan ko siya, kahit ilang beses siyang pumatay sa harap ko, o may sinaktan saharap ko, ni minsan hindi ako nakaramdan ng takot na baka ako din ay saktan niya. He never gave me a reason to. Umiling ako sakaniya at tinagilid niya ang ulo niya para pag aralan ako.

"Oddly, no", sabi ko at lumapit sakaniya, hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palayo. Hindi siya umapela hinayaan niya akong hilain siya palayo doon, naramdaman ko ang pag pisil niya sa kamay ko, gusto ko mapangiti, pero pinigilan ko baka isipin pa niya patay na patay ako sakaniya.

"Rachelle", bulong niya kaya nalatigil ako sa pag hila sakaniya.

"Hmm?" Tanong ko pero nakatitig lang siya sakin.

"Does it hurt?" Tanong niya at hinaplos ng dahan dahan ang braso ko. Umiling ako sakaniya.

"You should tell me these things, I don't want you in pain", sabi niya at napabuntong hininga nalang ako. How can he be sweet and cold at the same time?

May sasabihin pa sana ako ng makita ko si Renze at Kyle na nasa magkabilang braso ni Cyrus na nakahawak. Hindi man lang nagulat si Cyrus.

"Hi Chelle! Hiramin lang namin tong mapapangasawa mo ha?" Sabi nila at hinila paalis si Cyrus.

"W-wait!" Sabi niya at tumingin sakin.

"Ok lang ako, sige na", sabi ko at tumango nalang siya. Ang mga lalake talaga. Nag lakad nalang ako pauwi at nakita kung saan nila dinadala si Cyrus.

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now