Chapter 27: The Ghoul Forest

225 8 0
                                    

ok! bago ko umpisahan ang chapter na ito, i want to say thank you guys so much for supporting me kahit na medyo crappy tong story ko, but i promise to edit it soon, just give me some time, thank you for reading my stories and adding it on your reading lists i really appreciatte it so much, its so overwhelming, thank you din sa mga nag memessage sakin ng nga nakaka touch na message grabe talaga, :-) im sooooo happy salamat rin sa mga new followers ko. :-) thank you for supporting this story at yung iba, hindi ko muna i uupdate yung iba hangga't hindi pa ako napapanatag sa story na ito.

---------------------------

Rachelle's POV

kakagising lang namin, pero nag tataka ako kung bakit madilim parin, nakaka kilabot pag masdan ang paligid namin, yung bonfire na ginawa namin kagabi ay wala na, munting usok nalang ang natira.

"Rebecca nasaan na tayo?" tanong ko pero tiningnan niya lang ako, nag tataka naman ako dahil hindi niya ako pinansin baka pagod lang siya?

"Renze?" tawag ko kay Renze nang makita ko siyang kakagising lang pero parang hindi niya rin ako narinig at humiga ulit. anong nangyayari?
inaantok parin ba siya?

dumaan sa sa harapan ko bigla si Nichole at hinawakan ko braso niya parang nanlamig ang boung katawan ko.

tumagos lang ang kamay ko sa braso niya, napatitig ako sa kamay ko. what just happened?

"ang sarap ng tulog niya, napagod yata " narinig kong sabi ni Renze kaya nilingon ko siya, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nakahiga ako, sa pwesto kung saan ako natutulog pero nakatayo ako dito at nakikita ang sarili ko. Paanong nangyari ito?

'Rachelle' narinig kong bulong ng isang babae kaya agad akong luminga linga sa paligid ko pero iba ang nangyari biglang nag iba ang paligid.

Nandito nanaman ako kung saan ko nakita ang mama ni Rebecca, pero ibang iba na ang itsura niya

" bigyan mo pa ako!" sigaw nito sa lalakeng naka itim na cloak pero tumawa lang yung lalake.

"sigurado ka ba dyan sa hinihiling mo?" tanong ng lalake at naka ngiti siya.

"oo bigyan mo pa ako kaylangan kong bumata!Kaylangan kong mas lumakas!" sigaw ng mama ni Rebecca

"hahahahahah! hindi ka makuntento, pati kaluluwa ng iyong anak ay binigay mo saakin, ano ngayon ang maaari mong ibigay?" Tanong ng lalake at matalim na tinitingnan si Cassandra.

Natahimik siya ng ilang segundo na tila nag iisip ng malalim.

"ako" sagot niya

"hahahahahaha masusunod!" sigaw ng lalake at binalot siya ng itim na usok pati na rin si Cassandra.

Parang bigla akong hinila ng mabilis na para bang hinihigop ako.

"Enqouenter kuerte houres enchantros" naririnig kong paulit ulit na sinasabi ni Rebecca at namalayan ko nalang na naka dilat ako at nakatitig sakaniya.

noong una mukha ni Cassandra nakikita ko pero ng mag salita siya at tinatawag ako luminaw paningin ko at si Rebecca na nasa harapan ko.

tatayo sana ako pero pinigilan ako nila Renze at Nichole.

"hindi ka pa pweding bumangon, pinainum kita ng potion kaya hindi mo mararamdaman ang mga parte ng katawan mo sa loob ng isang oras" sabi ni Rebecca habang binuhusan ng tubig ang apoy na maaaring ginawa niya para mag painit ng gamot at nilagay ang maliit na spell book sa loob ng cloak niya.

"anong sinasabi mo wala namang nangyayari sakin" sabi ko kaya tumayo ako at tumalon talon tiningnan lang ako ni Rebecca at bigla akong nanlambot dahil wala akong maramdaman.

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now