Chapter 11

1.8K 58 8
                                    

"We are like islands in
the sea, seperate us in
the surface but connected
on the deep"
-William James

Nichole's POV

Kanina pa ako nandito sa harap ng opisina ni Yves, naririnig kong may kausap siya, kaya pinapatapos ko muna ito. Nakakairita nga eh, sobrang bored na ako, para tuloy akong kabit na tinatago. Nakakastress kaya! Naipakilala niya na ako sa Pack pero ang hindi ko nagustuhan ang bulungan ng gropo ng mga babaeng naka tayo sa tabi ng pool. Pero dahil mabait at mapag pasensya ako nginitian ko lang sila ng ubod ng tamis.

"Luna", bati sakin ng isa sa mga elders, siya pala kausap ni Yves sa loob ng opisina nito. Tinanguhan ko ito bilang pag bigay galang at ngumiti.

Bigla nalang akong pumasok at naabutang nakatitig si Yves sa laptop nito.

"I told you, I won't entertain-" natigil siya sa pananalita ng iangat niya ang ulo at mapatingin sakin.

"Nichole", tawag niya sakin na parang hindi ako inaasahan, simula kasi ng kahihiyan na nagawa ko hindi ko siya masyadong kinakausap.

"What brought you here?" Tanong niya ay nag kibit balikat ako at umupo sa silya sa harapan niya.

"Pinapamanmanan mo mga kaibigan ko diba?" Tanong ko at tumango ito, parang nag aalinlangang sumagot sakin. Napaiwas ako ng tingin.

"Kumusta na sila?" His facial expressions soften, napabuntong hininga ito.

"Their fine Nichole, they trained the king's daughter, and as of now their at a lake, maybe for an outing?" sabi niya at nakatingin lang siya sakin. Namimis ko na sila sobra, yung mga gaguhan namin, mga kalokohan. Ilang decada narin kaming mag kasama kaya hindi ako sanay ng hindi sila kasama tulad ngayon. Nakaka bwis*t kasi tong aso sa harap ko, ako ang kinukulong eh siya naman tong aso saming dalawa!

"You can go and have fun with them, I can just fetch you afterwards", nagulat ako sa sinabi niya kaya napatitig nalang ako sakaniya, mukhang seryoso naman siya. Ano nanaman nakain ng doggie na to? Paapakin nga ako sa labas di niya ako payagan. O baka may kapalit nanaman to!

"Don't look at me like that, I'm not planning anything", tinaasan ko nalang siya ng kilay. Hindi ako pweding sumama sa mga ganoong galaan, delikado ako.

"Yves, alam mo ba kung anong special ability ko?" nag kibit balit lang siya, sumandal ito sa swivel chair niya at naka titig lang sakin.

"I do know you're an elemental Dhampir", napailing nalang ako.

"I can control electricity, I can absorb energy, and use it. I can control lighting, ano sa tingin mo mangyayari kapag nag lagay ka ng live wire sa isang lawa?" He just smirked, tumayo ito at biglang nasa harapan ko na siya, ang kamay nito ay naka hawak sa armrest ng upuan ko.

"Didn't know about that", napataas nanaman kilay ko, di niya alam? Eh kaibigan ko alam niya lahat ng detalye!

"Diba pinaimbestigahan mo ako?" Sabi ko at humalakhak ito, ang sarap pakinggan ng pag tawa niya.

"I had all the informations of your friends but not you", huh? Imposible! Control freak kang gago ka! Buong palasyo may CCTV! peste hindi ako makakilos ng maayos!

"I know you don't believe me, I can read it from your face", ako naman ang natawa.

"Malamang sa malamang sinong tanga ang maniniwala sayo?" Sabi ko at tatayo na sana ako ng biglang hibalot ako at isinandal sa pader.

"I don't want to believe in inaccurate reports about you, I want to learn it myself, I want to know you, the real you", bigla akong namula sa sinabi niya, as in sobrang init ng mukha ko, feeling ko lahat ng dugo umakyat sa ulo ko. Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko, bigla akong hindi makahinga sa kaba.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon