Chapter 29: Bazooka

436 15 1
                                    

Giving someone an Endless
supply of money is like giving
a child a Bazooka ~anonymous

Rebecca's POV

"Janelle! thank god your here!" sabi ko nang pumasok ako sa munti niyang shop ng mga sangkap para sa mga potions, mga libro para sa mga enchantment at mga bibihirang mga gamit na kaylangan ng mga mang kukulam at wizards.

"Rebecca!" masiglang bati ni Janelle sakaniya, habang may inaaayos sa likod ng counter. May edad na si Janelle ngunit hindi ito kapansin pansin sa kanyang anyo, Mukha lamang itong nasa mid 20's at isa itong makapangyarihang Seer, ngunit hindi na niya masyadong nagagamit ang kanyang kapangyarihan dahil sa kwentas na kanyang suot na pinagawa niya pa kay Rebecca upang pigilan ang mga pangitain na dumadating sakaniya.

"Rebecca? anong mapag lilingkod ko sayo?" sabi niya habang naka ngiti, at ngumiti na rin si Rebecca ngunit nag seryoso ito ng mukha.

"kaylangan ko ng tulong mo Janelle" sabi niya sa kaibigan at kumunot ang noo ni Janelle dahil bibihira lamang humingi ng pabor ang kaibigan sakaniya, kadalasan kasi siya ang humihingi ng pabor dito.

"alam mo naman sa dami ng naitulong mo sakin hindi kita pweding tanggihan diba?" sabi ni Janelle sakaniya at pumunta sa pinto ng kaniyang shop at binaliktad ang sign nito, na nag sasabing sarado na ang kanyang shop.

"mabuti naman kung ganun, alam kong malaking pabor itong hihingiin ko sayo pero sana mapag bigyan mo ako" pakiusap ni Rebecca sa kaibigan at nginitian lamang ito ni Janelle.

"Halika, doon tayo sa workplace ko" sabi Janelle at pumasok sila sa isang pintong naka konekta sa bahay ni Janelle, pumasok pa sila sa isang kwarto na ang laman ay mga kagamitan ng mga witches at wizards mga bibihirang mahanap kaya may malaki itong halaga, sa gitna ng kwarto ay may mesang bilog, at may dalawang upuan.

"maupo ka Rebecca" sabi ni Janelle ng maupo ito sa isa pang upuan.

"Janelle kakayanin mo ba?" tanong ni Rebecca kay Janelle at tumango lamang ito.

"alam mong ako ang pinaka malakas sa seer sa mundong ito kaya kakayanin ko pero mag umpisa muna tayo sa tarot cards" sabi ng kaibigan sakaniya.

May nilabas si Janelle na maliit na kahon, at binuksan ito, ang kanyang tarot cards na naka balot pa sa isang espesyal na tela at mga dahon, nilapag niya ito sa mesa at hinawakan ang kaniyang kwentas at humingang malalim, dahan dahan niyang hinubad ang kwentas.

Nag iba ang kulay ng kaniyang mga mata, ang dating Brown ay naging puti

"mag umpisa na tayo, hatiin mo sa tatlong deck ang mga baraha Rebecca"utos niya kay Rebecca habang nakatingin lamang ito sakaniya, sumunod naman agad si Rebecca.

Kinuha ni Janelle ang mga baraha at ikinalat ito.

"mamili ka ng anim na baraha" muling utos niya sa kabigan.

Binuksan ni Janelle ang unang baraha

"Shadows" sabi ni Janelle, sunod naman niyang binaliktad ang katabi nito.
"Lovers" sabi niya at tila nahihirapan na ito, binaliktad niyang mula ang katabing baraha.

"Reaper" sabi niya at napatingala na ito na tila may nakikita pangitain.

kinabahan si Rebecca, dahil nag simula itong mag salita sa sinausang lengwahe ng mga mangkukulam at hindi niya nagugustuhan ang kanyang naririnig.

"hindi" bulong ni janelle at binaliktad ang mga sumunod na baraha.

"imposible!" sigaw si janelle at tumingin sa kaibigan.

"Rebecca, may mangyayaring gera" sabi nito sakaniya at biglang namutla.

"papaanong gera? sa mga lobo ba?" tanong nito ngunit umiling lamang si Janelle.

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now