Chapter 7

2.1K 62 7
                                    

"Love is when the other
person's happiness is
more important than your own"
-Unknown

Rachelle's POV

Habang nag kwekwentuhan kami ni Kyle biglang dumating si Cyrus na tiningnan si Kyle ng masama kaya nag paalam agad ito at umalis, napabuntong hininga nalang ako at tiningnan siya. Ano ba kasing trip niya at inaaway niya si Kyle! Ang liit na nga ni Kyle!

"I see you already ate" sabi niya nang tingnan niya yung pagkain ko sa plato, hindi ko nga naubos eh pano ba naman kasi bumaligtad sikmura ko sa kwento ni Kyle.

"Pupunta ako sa pinakamalapit na mall dito, may ipapabili ka ba?" Tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay, oo nga pala! Wala akong damit dito! Itong suot ko damit ni Abiegail na pinahiram niya lang sakin, parehas na parehas kami ng size ng babaeng yon.

"Sama nalang ako", sabi ko at napamulsa siya ng kamay, hala bat ang sungit niya, meron ba siya?

"You're a disaster magnet, ako na lang mag isa", tumayo ako at tiningnan siya ng masama.

"Bakit pag sinabi kong bilhan mo ako ng underwear bibili ka?!" Sigaw ko at nanlaki mata niya, medyo namula teynga niya at umiwas siya ng tingin, napangiti ako dahil nakabawi ako sa pambubully niya!

"Fine", sabi niya at iniwan ako kaya hinabol ko siya agad, Aba! bukas wala na talaga ako maisusuot! Nang makalabas kami sa isang malaking gate nakita kong may pinasukan siyang sasakyan kaya pumasok narin ako doon, tahimik ang biyahe namin papunta sa mall, may bigla akong naisip.

"Cyrus lahat ba na nandyan sa mall na yan Dhampirs?" Tanong ko at tumango siya, meron din akong nakitang mga lumilipad na pixies, ibig sabihin sa dhampirs lang ang mall na to?! Astig!

Pinark niya yung sasakyan niya at lumabas na kami, lahat ng masalubong ko nginingitian nila ako kaya alinlangan din akong ngumiti sakanila, parang sa mundo din ng mga tao dito, may security guard din na kinakapkapan ang mga dumadaan sa entrance, nung ako na yung papasok gumilid ung guwardya nag bow siya at binati ako, kaya napa hello nalang ako, nilingon ko si Cyrus kanina pa pinag titilihan ng mga babaeng nadadaanan namin, hindi naman artista tong ugok na to at feel na feel pa niya!

"Bakit ang babait nila sakin", tanong ko kasi kanina ko na papansin na lahat sila ngumingiti sakin.

"You're the next in line for the throne and your father owns this mall" sabi niya kaya natulala nalang ako, si daddy ang may ari ng mall na ito? Kung sakniya ito ibig sabihin mayaman kami? Ay tanga oo nga pala hari siya malamang mayaman siya!

"Catch up, slow poke", sabi niya, I rolled my eyes, nag lakad na ako kung saan kami dapat pupunta, nag tataka ako kung pano nila ako kilala? Wala namang nakapaskil sa pagmumukha kong anak ako ng hari nila.

"Psst! Cyrus!", tawag ko sakaniya, tumigil siya sa pag lalakad at tinaasan ako ng kilay! Aba aba!

" What is it this time?!" Masungit na tanong niya sakin kaya napabuntong hininga nalang ako, bakit pakiramdam ko mas mukha siyang may regla kaysa sakin?

"Ano na?" tanong niya ulit kasi hindi ko nasagot yung tanong niya.

"Bakit nila ako kilala, hindi naman sila bisita kagabi diba?" Tanong ko sakaniya, napansin kong lahat ng mata nasaakin, asar! ano ako artista? kulang nalang dumugin ako ng mga 'to at mag papicture!

"They sense your power, at isa pa hindi iba ang nga chismoso sa mundo ng mga tao dito kaya wag kana mag taka", sabi niya at tumango, napamulsa siya at nakatitig lang siya sakin.

'Yan ba yung anak ng Hari natin?' Narinig kong bulong ng isang babae, luminga linga ako para hanapin ito.

'Hindi naman siya kagandahan ah!' Sagot ng isa pang babae, napatigil mata ko sa tatlong babaeng naka dress, ang gandang mga ayos nila at mukhang high class sila.

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now