Chapter 2

3.3K 97 6
                                    

"Do not save what is left
after spending but spend
what is left after saving"
-Warren Buffett

Nang magising ulit si Rachelle at napatingin siya sa orasan na nasa kanyang pader at doon niya napag tantong hinapon na siya ng gising, bigla siyang napabuntong hininga dahil pasukan na bukas at wala pa siyang nabibiling gamit, kaya nag madali siyang maligo at nag bihis, Fitted jeans, rubber shoes at Off shoulder na blouse ang kaniyang sinuot, nilabas niya sa garahe ang isa sa mga sasakyan na nabili niya noon, agad niya pinatakbo papunta sa pinaka malapit na mall, nang maipark niya ito ay nag mamadali siyang pumasok sa loob dahil Alas- tres na nang hapon baka magabihan nanaman siya. Dumeretso siya sa National Bookstore at dinampot ang mga kakaylanganin niya, pero nang matapos siya ay napatingin siya sa kaniyang cart, oo nga may mga gamit para sa kaniyang pag pasok pero mas marami ang mga librong dinampot nito, kahit na marami pa siyang librong hindi pa niya nababasa sa kaniyang bahay ay gusto niyang bumili ulit. Agad siyang pumunta sa counter para bayaran na ito, habang ini-scan ng Cashier ang kanyang mga items ay napalingon siya sa Starbucks na katapat ng National Bookstore, may lalake doon na naka upo habang umiinom ng kape, tiningnan niya ito ng mabuti dahil parang nakita niya na ito, parang kilala niya ito, pakiramdam--

"Ma'am, 4,673 po lahat" sabi ng cashier at nilabas niya ang credit card niya, may tinipa tipa ang babae sa keyboard at iniswipe ang card niya. Nang matapos siya ay tiningnan niya ang relo niya at nalamang 4:30 lang pala, kaya naisip niyang dumaan muna sa department store para bumili ng supplies niya para sa bahay dahil nauubusan na siya ng makakain , dumaan muna siya sa baggage counter at ang lapad ng ngiti ng baggager sakaniya, inabot niya ang pinamili niya at kinuha ang number niya para maka alis na agad dahil di niya gusto ang paraan ng pag tingin ng lalakeng iyon.

Kumuha siya ng cart at nag simula siya sa mga noodles, at mamaya maya nasa mga Gulay na siya para mamili ng pweding ilagay sa chapsuey, nang maisip niyang pumunta sa mga may chichirya ay may bigla siyang nabunggo, sa lakas ng pag kaka bunggo niya ay natumba siya pakiramdam niya ay concrete wall ang nabunggo niya, ang sakit ng pwet niya sa pag kaka tumba at ang ulo niya sa pag kaka untog, naramdaman niya ang pag hawak sa kaniyang braso kaya napamulat siya ng mata. Napatulala siya sa lalakeng nasa harapan niya ngayon.

"Are you alright?" Tanong ng lalake sakaniya pero hindi niya nasagot ito agad dahil nakatulala parin ito at ng ugain siya ng lalake ay nahimasmasan siya at agad tumayo.

"Uh, y-yeah I think so", nauutal niyang sagot, kaya mas nahihiya tuloy siya, mag papakilala sana ang lalake dahil inabot nito ang kamay niya pero biglang umikot ang paligid niya at nandilim ang paningin niya.

Isa nanamang pangitain, pangalawang beses na itong nangyari sakaniya pero iba itong nakikita niya ngayon, nasa isa siyang gubat, noong una ay tahimik ito pero kalaunan ay naamoy niya ang dugo na nag mumula sa madilim na parte ng gubat, nang takbuhin niya ito ay nakita niyang bundok ng mga bankay na nandoon na parang ibinasura lamang. Bumaliktad ang kaniyang sikmura at gusto niyang masuka, narinig niya ang iyak ng isang babae, nilingon niya agad ito doon niya nakita ang isang bagay na hinding hindi niya malilimutan.

Ang lalakeng kanina lamang na nakita niya ay hawak sa ulo ang babaeng nag mamakawang wag siyang patayin pero ngumiti lang ang lalake at hinila bigla ang ulo ng babae kaya natanggal ito mula sa mga braso ng babae, nanlamig ang buo niyang katawan, namutla sa dami ng dugong nakita niya at ang reaksyon ng lalake ay mas nag bigay takot sakaniya, tuwang tuwa ito na para bang napakasaya ng kaniyang ginagawa.

Cyrus' POV

Gaya ng lagi kong ginagawa ay sinusundan ko parin si Rachelle hanggang sa pag punta nito sa mall, nang pumasok sya sa department store, sumunod ako dahil may pakiramdam ako na may balat ang babaeng ito sa puwet at gaya nga ng hinala niya, nang mapunta ito sa mga may chichirya ay hindi na niya tinitingnan ang kaniyang dinadaanan kaya hindi niya nakita ang mga kahon sa harapan niya, kaya ginawa niya ang isang bagay na unang pumasok sa isip niya, yun ay bunguin ito.

Natawa naman siya dahil mukhang nasaktan ito, nakailang tawag na siya dito pero nakatulala lang ito sakaniya. Nang ugain niya ang nga braso ni Rachelle ay agad na nahimasmasan ito kaya tumayo sya agad.

Mag papakilala na sana siya pero gaya ng nangyari kagabi ay mukhang may pangitain nanaman ito, dahil naging ginto ang kaniyang mga mata at napaluhod sya na tila namimilipit sa sakit, may mga taong tumigil at tinitingnan ang nangyayari kaya agad niyang binuhat si Rachelle at inilabas sa mall na iyon, nang papalabas siya ay may naamoy siyang kina bwibwisitan niya.

Werewolves.

Kung iuuwi niya si Rachelle sa bahay niya ay tiyak na malalaman ng mga ito kung saan siya nakatira, kaya ang ginawa niya ay pumunta sa pinakamalapit na gubat upang buksan ang lagusan papunta sa mundo na kinalakihan niya, ang mundo ng mga Unwanted Creatures.

Agad siyang pumunta sa kanilang kaharian, may mga lumilingon sakaniya, at tila ba nag tatanong kung sino ang kasama nito, hindi niya ito pinansin at dumeretso siya sa opisina ng hari dahil doon niya naisip na mas ligtas si Rachelle, may mga dhampirs na mapang usisa.

Nagulat ang hari sa kaniyang pag pasok, pero mas nagulat siya ng makita kung sino ang buhat buhat nito, natigilan ang hari at tinitigan lamang ang kaniyang anak sa bisig ni Cyrus.

"Patawad sir Landon, nagiging delekado na ang kalagayan niya sa mundo ng mga tao, nag kalat ang mga lobo at madalas na siyang mag karoon ng mga pangitain", paliwanag ni Cyrus at hindi nagalit ang hari sakaniya bagkus nginitian siya nito at lumapit sa anak na buhat nito.

"Dalhin mo nalamang siya sa bakanteng silid sa tabi ng iyong silid at hayaan siyang mag pahinga muna", bilin ng Hari at agad niya itong sinunod, matagal niyang buhat si Rachelle at tila hindi siya nabibigatan, dahil narin siguro sa di pag kain nito ng maayos. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwartong pinasukan niya at napaka ingat niya itong ihiniga at kinumutan dahil bakas talaga sa mukha nito ang pagod.

Nag pahinga na muna siya sa sariling silid dahil pagod na rin siya sa kakasunod sa makulit na dalagang nasa kabilang kwarto lamang. Matapos ang ilang oras ay hindi parin siya nakakatulog, hindi niya rin alam kung bakit pero kahit anong pilit niya ay hindi talaga siya makatulog kaya ang ginawa nalang niya ay lumabas sa kaniyang silid upang mag hanap ng makakain pero nagulat siya ng makitang maliwanag na pala sa labas.

Agad siyang pumunta sa mga kaibigan niya na ngayon ay nag kakayayaang mag laro, hindi simpleng laro ang kanilang ginagawa kundi madugong laro. Kaylangan ng isa sa mga babae nilang kasama ang hahanap ng hayop na kaylangan nilang huliin, at pag nakahanap na ito ay mag bibigay ito ng 5 minuto para mahuli ng hayop na iyon at inumin ang dugo nito. Ito ang nagiging kanilang pagkain.

Mag uumpisa na sana ang laro pero pinatawag sila bigla ng kanilang hari kaya nadismaya sila dahil gusto talaga nila ang larong ito.

Nang makapasok sila sa Kwarto ng pag pupulong ay sila lamang ang naroon at si Sir Landon at ang kanang kamay nitong si Dorinda. Nag umpisa nang mag salita ang Hari patungkol sa kararating lamang nitong anak. Nagulat si Dorinda.

"Matagal na pong patay ang inyong anak mahal na hari maaaring impostor lamang ang inyong dinala dito", mariin niyang sabi at bakas sa mukha ng hari ang pag ka irita

"Kilala ko ang aking anak, kaya itikom mo ang iyong bibig", singhal ng hari sakaniya kaya tumahimik nalamang siya.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon