Chapter 28: Three Choices and One Decision

439 12 6
                                    

Rebecca's POV

Nasa harapan namin ang isang itim na Uwak, gaya nga nang nasa Diary ni mama, pero nang tingnan ko si Rachelle umiiyak ito.

"Rachelle?"tanong ko at pinilit niyang ngumiti sakin.

"Kilala kita binibini, ikaw ang anak ng Sakim na mangkukulam na galing dito ilang taon nang nag daan"sabi ng Uwak.

"alam mo bang ibinenta niya ang kaluluwa ng iyong nakatatandang kapatid na si Heidi?" sabi niya at nagulat ako may kapatid ako?

"wala akong kapatid" sabi ko at tumawa siya

"yun ay dahil nag layas ito bago kapa isinilang ng iyong ina" sabi niya at umiling ako

"imposibleng gawin ng mama ko yang sinasabi mo!" sigaw ko, hindi ganun si mama, kahit na naging makasarili ito at mas hinangad ang itim na kapangyarihan kaysa sa mabuhay lang kasama ko

"totoo Rebecca"sabi ni Rachelle na humihikbi sa tabi ko, tiningnan ko siya, hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak siya.

"anong totoo?"tanong ko dahil naguguluhan na talaga ako

"nang papunta tayo dito, may mga visions na dumating sakin, nung una akala ko ikaw ang tinutukoy niyang anak na ibibigay sakaniya pero ngayon ko lang nalaman na may kapatid ka" sabi niya sakin at hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa sa ginawa niyang pag tago nito sakin.

"kung ako sainyo, aalis na ako rito, dahil gusto kong kunin lahat ng mga kaluluwa ninyo at magagawa ko iyon sa isang iglap lamang"sabi niya at namutla ako.

tama siya, magagawa niya nga iyon, hinila ko lahat ng kasama ko at nag chant ng isang spell na kaya kaming ibalik sa Bahay nila Rachelle, madaling makaalis sa gubat na ito pero napaka hirap pasukin .

RACHELLE'S POV

wala akong ibang magawa, nandito na kami sa teritoryo namin, pero hindi namin magawang pumasok sa bahay dahil Bigo kami, hindi namin nakuha ang bulaklak at walang makakagamot kay Cyrus. Dismayado lahat ng kasama ko kaya si Rebecca Umalis nalang ng walang paalam samantalang si Nichole at Renze, inalalayan akong pumasok sa bahay, nagulat silang lahat sa sala nang makita kami, pinaupo nila ako sa sofa at pinainom agad ng tubig, hindi na sila nag tanong pa dahil nababasa naman nila sa mga mukha namin ang pag kabigo.

"nasaan ang mga anak ko?" tanong ko at nakita ko si Abiegail
"dinala nila Ms. Sylvia sa Mundo nila para ipasyal" sabi ni Abie at napasinghap nalang ako.

"guys" tawag ni kyle mula sa hagdanan.

"gising na siya" sabi niya at nanlaki ang mata ko at nanlamig ang boung katawan ko

Kyle's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa upuan na nasa tabi ng higaan no Cyrus, akala ko nakita ko siyang gumalaw pero guni guni ko lamang iyon pero biglang may gumising sakin

"Kyle what the hell!"sigaw niya at nagulat ako, napatitig lang ako sakaniya at tiningnan niya ako ng masama.

"Cyrus gising kana!!" sigaw ko at mukhang mas nabwisit siya

"Where am i!Bat ako nandito!" sigaw niya at ngumit ako sakaniya

"gising kana!"sigaw ko ulit at hinampas niya ulo ko kaya napa upo ako

"Wag tanga Kyle"sabi niya at napasimangot ako napaka bully niya.

"wala kang maalala?"tanong ko at tiningnan niya ako, nag iba siya

"ang naaalala ko lang ay papunta tayo sa mall para bumili ng gamit para sa pasukan" sabi niya sakin at nag taka ako, pasukan?matagal na kaming hindi pumasok.

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now