Chapter 8

2K 66 12
                                    

"If you spend too long
holding on to the one that
treats you like an option,
you'll miss finding the one
who treats you like a priority"
-Unknown

Cyrus' POV

Kanina pa kami nakarating ni Rachelle galing sa mall, napagod siya sa kakaikot kaya matutulog muna daw siya and I decided to do the same, I was about to close my eyes when I heard the continuous knocking on my door.

"What?!" I snapped at the person knocking, it was Kyle.

"Pinapatawag tayong lahat nila sir Landon, Ngayon na daw!" Sabi niya at tumakbo palayo, sira ulo talaga yun. Hindi na tuloy ako nakatulog peste.

Nag lakad nalang ako papunta sa opisina ni sir Landon, nandoon na silang lahat at kakapasok  ni Kyle at Rachelle mukhang sinundo niya ito. Iginala ko ang mga mata ko sa boung opisina ni sir Landon. There were two strangers in the room. I feel like something is missing.

"Teka hindi ko natawag si Nichole, wait!" Sabi ni Kyle at lalabas sana pero biglang pumasok si Sir Landon.

"Wala na dito si Nichole, sumama siya sa Alpha King", pag kasabi ni Sir Landon ng mga katagang iyon ay nagulantang kami, isang lobo si Yves, kilala ko siya nakalaban ko na ito dati.

"Papatayin siya ng asong iyon!" Sabi ni Abiegail na bakas sa mukha nitong nag aalala ito sa kaniyang pinsan.

"Ang isang lobo ay binibigyan lang ng isang mate sa boung buhay nito sa oras na mamatay ang mate nito at hindi malayong sumunod sa kamatayan ang lobo", sabi ni Sir Landon, pumapayag siya na hindi namin bawiin si Nichole?

"I know what you're thinking, alam ko kaaway natin ang mga lobo, but Nichole deserves to be happy, marami nang nangyari sakaniya at  kilala ko siya kung hindi siya masaya doon, baka bukas  o sa mga susunod na araw ay nandito na iyon, pero hindi yan ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta dito", sabi ni Sir Landon.

"Ito ang Madrigal Twins", nang sabihin niya iyon ay nagulat kami, Madrigal twins are known for their mischieviousness and evilness. Pag lalaruan nila ang kanilang kalaban at papatayin.

"Sila ang bago ninyong makakasama sa palasyo at tuturuan kayong mangaso sa bagong teritoryong nasakop natin", sabi niya at tiningnan ko lang ang kambal, wala sa hitsura nilang pumatay mukhang mga tanga naman itong mga to eh.

Rachelle's POV

Nilapitan ako ang ng Madrigal twins at nag pakilala saakin.

"Hi princess, Ako si Ronie at ito naman si Lonie", sabi nila at ngumiti lang ako, mag papakilala na sana ako ng mag salita sila ulit.

"Ang ganda mo pala sa personal!" Sabi ni Ronie yata yun at kinuha kamay ko, naiilang ako sakanila at nagulat ako kasi biglang nawala ang pag kakahawak sakin ni Ronie.

"Touching her is not neccessary", sabi ni Cyrus at hinila ako palabas ng opisina ni Daddy.

"Hoy! San mo ako dadalhin?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin, hinila niya lang ako na parang maleta. Napansin kong nasa kusina kami.

" Hindi pa naman ako gutom Cyrus", sabi ko dahil kumuha siya ng plato at nilagyan ng pagkain.

"Eat", sabi niya at umupo sa silyang nasa harap ko, tiningnan ko yung pagkain, wala  talaga ako sa mood kumain. Kakakain lang namin kanina bago umuwi.

"Busog pa talaga ako Cyrus", tiningnan niya ako ng masama ng sabihin ko yun kaya kinain ko nalang yung nilagay niyang pagkain sa plato para matapos na kaartehan ng unggoy na to.

"See, no harm done", sabi niya at tumayo mula sa upuan niya at  iniwan ako. Oo, iniwan ako ng unggoy na yun. Kinaladkad niya ako dito tapos iiwan niya ako, oh diba abnormal niya?

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now