#BIWASEpilogue

502 9 2
                                    

30 YEARS LATER.....

Mas lalong sumikat ang BTS kung saan saan sulok ng mundo nakilala. Laging trending sa social media mas lalo silang minahal ng mga fans nila at kasabay nun ay halos busy sila lagi. Dahil sa kabi-kabilaan na guest show at performance.

Madalas din dumugin ang concert nila kaya nagkakaubusan ng tickets. Syempre hindi din nawala ang mga basher pero hindi nila pinapatulan yun hindi nila kailangan patulan ang mga taong insecure at hindi nila ka level. Matalino silang tao at isa sa mga natutunan nila wag patulan ang mga basher. Mapapagod din sila kaya naman ginaya sila ng mga fandom nila na wag patulan ang mga basher pero syempre may mga ibang army parin na sumusuway pero naiitindihan naman nila dahil ganyan kasi sila kamahal ang armys fan.

Syempre may katapusan din lahat ng bagay kahit wala na ang BTS at nagpapahinga na sa buhay kilala parin sila. Pag binanggit mo lang sa public place ang "BTS" pagtitinginan ka ng mga tao, patunay na isa silang legend at ang fandom nila. Kahit over 30 years na sila hindi parin nawawala sa puso ng mga tao lalo na sa armys.

Syempre ang lovelife nila hindi mawawala dahil may kanya kanya na silang minamahal at pamilya pero ang isa sa kanila nanatiling malungkot at nagmamahal kahit malayo sa kanya ang taong mahal niya.

Si jungkook...

Halos araw araw niya iniisip si Ayu, minsan na rin siyang hindi nakapag focus sa gawain lalo na ng ma accident si Ayu. Hanggang sa bigla na lang nawala si Ayu at walang nakakaalam sa kanilang pito kung nasaan siya.

Wala na silang connection sa kanya kahit sa manager nila hindi nila nagagawang itanong dahil ayaw ng manager nila itong pagusapan. Umaga ngayon at nagaalmusal mag isa si jungkook, nagkahiwa-hiwalay na rin kasi sila pero di parin nagkakalimutan na mag bonding sila paminsan-minsan.

*dingdong*

Binuksan ni kookie ang pintuan at sumalubong sa kanya ang buong member ng BTS kasama si manager. Nabigla naman si kookie at gumuhit sa kanyang mukha ang saya.

"Woahh! kookie!"

Nag group hug silang lahat makikita mo na miss na miss na nilang lahat ang isa't isa at bakas parin ang ka gwapuhan nila kahit may edad na. 

"Tuloy kayo! Sakto naghanda ako ng almusal."

Umupo naman sila sa lamesa at sabay sabay na kumain.

"Naku kookie! the best maknae ka talaga kahit may edad na si maknae tignan mo oh ang sasarap na lalo ng luto mo kagaya na nang kay ayu!" Masayang sabi ni Hobie.

Pero parang may dumaan na multo at naging tahimik ang lahat at napatigil din sa pagkain.

"Hehe..oh ito pa ulam, kain kayo sabayan niyo ako. Nagsasawa na ako magisang kumakain." Basag ni kookie sa katahimikan.

Kumain naman sila ng masaya at puro kwentuhan madalas nila balikan ang mga nakakatawang moment nila lalo na kay Hobie na puro mga nakakatawa.

"Naaalala niyo ba nung sumakay siya sa roller coaster? naku! Takot takot  nagtitili nakakatawa dahil ang epic ng mukha. " Pangaasar ni jimin

"Hahahahaha!" Tawa naman ng lahat.

"Eh si golden maknae naman nung grumaduate naku ang cute sa malayo tapos si suga nagmukha kang proud daddy at ako naman proud mommy hahaha!" Sabi ni jin

Bumalik din sa katahimikan ang lahat pero binasag ni manager ang katahimikan dahil may dala siyang magandang balita.

"Summer na! Outing naman tayo, treat ko sa jeju island !"

BOYS IN LOVE WITH A SLAVEWhere stories live. Discover now