Chapter 2"#BIWASWaterBoyJin"

1.1K 37 0
                                    

Ayu POV

"Okay guys, siya muna ang pansamantalang slave niyo dito habang wala pa tayong nahahanap na kapalit. " Panimula ni Manager Kwon

Ano ba kasi nanyayari sa mga slave nila dati at bakit ang bilis naman nila mag-resign, may multo ba dito?

"That's okay new slave new pranks." Nakangising sabi ng isa na mukhang anime yung mukha.

"Tss..."busangot naman ng lalaking naka eyeliner parang may hawig niya si chaerin lee, parehas sila ng mga mata eh.

"Naku! kayo boys ah tigil tigilan niyo yang pranks na yan. Matapang na babae yan si ayu di katulad ng iba."

Ano bang pinagsasabi ni Manager Kwon, ako? matapang? Excuse me may kinakatakutan din ako noh.

"Well let's see." Singit naman ni jungcook.

"Hahahahaha." Nagtawanan naman tong anim na toh.

"Boys, asan si jin?" Tanong ni Manager.

"Lumabas may ka date na naman ata eh."

Ayoko na magdescribe makikilala naman natin sila mamaya.

"Ahmm.. Ayu, sila ang tinutukoy ko sayo. Ang popogi nila diba?"

Sinimangutan ko lang si manager sa sinabi niya.

"Siya si Kim Namjoon, call him rapmonster because of him stage name."

Ahh siya pa yung may mapupungay na mata. Tapos parang ang sweet ng labi niya tignan.

"Si Park jimin."

Yung masayahin na pag ngumiti ay mapapangiti ka din.

"Si Jung Hoseok, J-hope for his stage name."

Yung may pinakamatangos na ilong at parang ang lakas makaakit ng ngiti niya.

"Si Kim Taehyung, V for his stage name."

Yung mukhang anime yung mukha, dahil halos ang perfect ng ayos ng mukha niya.

"Si Min Yoongi, Suga for his stage name."

Siya yung lalaki na male version ni Chaerin lee, naku! Fan na fan ako ng 2ne1 ih.

"At si Jeon Jungkook."

Hmm..Jeon Jungkook, yung mukhanv masungit na nakapaka o.a pa.

"At boys, Ayu Ramfrost ang slave niyo. She will be your personal slave. She can go everywhere and everytime kung gugustuhin niyo. "

Tumango naman ang anim na may ngisi sa kanilang mga labi. Mukhang hindi ata madali ang pamamalagi ko dito.

"Kahit sa cr?" Tanong ni jimin.

"Sige subukan mo akong isama dun bugbug ka sa akin." Akmang aambagan ko sana siya ng suntok kaso inawat lang ako ni Manager kwon. Peste tong lalaki na toh ah.

"Woahh.. natakot ako dun ah hahaha."

Talaga lang na matakot ka, dahil di ako nagbibiro.

"Oh sige, Ayu, yung kwarto mo ay nasa second floor yung black door dun. May name mo yung door, sige na marami pa akong aasikasuhin."

At tuluyan na ngang umalis si Manager. Tumalikod na ako para umakyat kasi nakakapagod ang araw na ito at gusto ko na magpahinga.

"Hep..hep.. saan ka pupunta?" tanong naman ni jungcook

Humarap naman ako sa kanya ng walang pinapakitang emosyon.

"sa kwarto ko, may angal?"

"Wala."

Sabay sabay silang nagtawanan, hinayaan ko na lang sila at umakyat na ako sa kwarto ko. Pagkatapat ko sa pintuan ay pumasok na ako sa loob at nilapag ang mga gamit ko sa sahig.basta basta na lang ako pumasok sa banyo at tinanggal ang jacket ko dahil maghihilamos na ako. Pagkatapos ko maghilamos ay inayos ko ang sleeveless na top ko.

Palabas na ako ng biglang bumukas ang shower pero di ko makita kung sino ang gumagamit kasi may curtain na nakaharang. Lumapit ako para tignan at hinawi ko yung curtain.

"Hi babe!"

"Wahhh! Kadiri!"

Nagmamadali akong lumabas sa cr patungo sa kwarto at nagmamadali akong bumaba. Lintek naman kasing lalaki na yun boxer lang yung suot niya tapos basang basa na siya. My Virgin Eyes! Nagtititili akong bumaba nang makababa na ako nakita ko silang lahat tumatawa.

"Hahahahaha ang epic niya tumili." -jimin

"Parang bumbero."-V

Hala!grabe sila tumawa, mawalan sana kayo ng hangin kakatawa diyan KAINIS!

"Di niyo man lang sinabi sa akin na sexy pala yung bibiktimahin ko." Singit naman nung lalaki na nakita ko sa banyo.

Pagtingin ko ulit sa anim eh tahimik na sila at gulat na nakatingin sa akin. Oh anyare nanigas ata sila.

"S-sexy? Saan banda?"singit naman ni jungcook

Inirapan ko lang siya at binalik yung tingin ko dun sa lalaki kanina.

"Hoy! ikaw!lalaki na nagaala water boy dun sa banyo."

"Yep?"

"Anong ginagawa mo dun?"

"Nag shashower. "

Inirapan ko na lang siya at humakbang na paakyat. Mukhang wala naman akong mapapala sa hambog na ito na mukhang gwapong gwapo pa sa sarili niya.

"Hoy ayu!"

Lumingon naman ako kay J-hope at hinagis niya sa akin ang black na jacket niya na suot suot niya lang kanina.

"Anong gagawin ko dito?"

"Try mo kainin, malamang ipang jacket mo hiya naman ako sa kutis mong napakaputi tinalo mo pa si suga."

Hindi ko man maintindihan ang pinagsasabu nila, pero tinanggap ko yung jacket dahil bigla ako nakaramdam ng lamig. Di na ako nagtagal pa kaya naman umakyat na ako upang bumalik sa kwarto.

_______________________________________

#BIWASWaterBoyJin

BOYS IN LOVE WITH A SLAVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora