Chapter 12 "#BIWASMeetChanyAgainAndExo"

761 22 1
                                    

Nagising si ayu dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha niya agad siyang bumangon habang kinukusot ang mga mata at sabay inat ng kanyang dalawang kamay

Tumayo siya sa kama at tumalon talon pa

"good morning!"

Parang bata si ayu sa kanyang ginagawa biglang niyang naalala ang kanyang alaga dahil tanghali na wala pa siyang naluluto na almusal tumalon na siya paalis sa kama at tumakbo
Palabas ng kwarto at pababa

Pumunta siya sa sala kung saan niya lagi nakikitang tumatambay dun ang mga alaga niya ngunit wala ito doon naisip nya na baka tulog pa rin sila pumunta na siya sa kusina nahagip ng mga mata niya ang plato at may tasa sa gilid nilapitan niya ito may takip ang plato ganun din ang tasa at may nakadikit na sticky note sa takip ng plato

'Eat your breakfast Ayu ako nagluto niyan siya nga pala umalis kami ngayon may rehearsal kami para sa comeback namin take care of your self '

-JIN

napangiti naman si ayu sa kanyang nabasa at nagsimula na syang kumain

Pagkatapos nya kumain ay umakyat sya sa taas ng kwarto nya at naligo

Pagkatapos nya maligo ay nagsuot sya ng yellow dress na kita yung magkabilaan na balikat at may design na sun flower kinuha nya ang phone nya at bumaba

"Ano kayang pwedeng gawin ?malinis naman yung bahay wala naman dito mga alaga ko eh kung lumabas na lang kaya ako tama!"

Agad na lumabas si ayu dala ang duplicate key nila pagkalabas nya ay dala nya ang bike at nagsimula na sya mag pedal pupunta sya sa park kung saan pwede sya kumain at maglibang

Pagkarating nya sa park ay agad syang bumili ng cotton candy at masayang umupo sa bench

Ayu POV

hmm... yummy sarap ng cotton candy blue....di ako nagsisi na lumabas ako buti na lang pala wala ang mga alaga ko yeppeee....

"A-ayu?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin nasa harapan ko lang pala teka si ano to eh si hmmm....

"Chany!..."

Agad akong tumayo at patakbong lumapit sa kanya

"Ayu!.,,"

Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko sya kahit papaano na miss ko din kakulitan nya

"Kamusta ka na?"

"Okay lang naman chany!"

"What? Chany?"

Agad naman ako napalingon sa lalaking nasa likuran ko O to the M tagos to the G

OMG!

Ang pogi nya ....shemmz... naman

"Ah...eh.....ah....."

Shit hindi ako makapag salita ng maayos nakakahiya

"Chany sino sya?"pabulong kong tanong

"Si D.O. yan ay teka chany? Bakit chany?"

eh chany yung pangalan nya diba baliw ata to nakalimutan na yung pangalan nya

"Eh chany yung sinabi mO nung nagpakilala ka eh!"

Naiinis na ako mukha na akong baliw dito ang daming magagwapong nilalang nakatingin sa akin

"Chanyeol ang kasi yun di mo kasi ako pinatapos kaya naging chany hahaha"

Ahh yun pala yun hehehe nagmamadali kasi ako nun nakita kong tumawa ang mga gwapong nilalang na nasa paligid ko pwera lang kay D.O na nakatingin lang sa akin ng seryoso

BOYS IN LOVE WITH A SLAVEWhere stories live. Discover now