Chapter 5"#BIWASBloodPranks"

1K 31 2
                                    

3rd person POV

Habang nagluluto si ayu sa kusina, ang mga boys naman ay nasa sala nakaupo at nag uusap.

"Ang astig ni Ayu. " panimula naman ni V.

"Anong astig dun? Eh nakakainis nga yun Babae na yun." singit ni jungkook.

"Suss! nakakatawa nga siya eh." sabat naman ni jimjim habang nag p-psp.

Napasimangot naman si jungkook sa sinabi ni jimjim, dahil hindi siya sangayon dito. Samantalang si Sugar eh bored na bored sa pinaguusapan ng tatlo.

"Ang boring nga niya kasama eh."

"Hay naku suga! boring? Eh tawa ka nga ng tawa kanina eh boses mo pa nangingibabaw." pangaasar ni Hobie.

"Ui! si rapmonster yun eh." tanggi naman ni suga.

"Ewan ko sa inyo basta ang akin lang is maganda siya at sexy." Lokong nakangiting sabi ni jin.

"Lahat naman sayo eh maganda kahit nga mataba eh maganda parin sayo hahaha." pangaasar ni jimin.

lahat sila ay nagtawanan except kay suga na naka poker face lang.

_______________________________________

Samantalang si Ayu ay iniintay na lang maluto ang adobo na niluluto niya kaya umupo muna siya at nililinis ang sugat niya na natamo niya kanina.

"Buti na lang konti lang ang dugo baka di ko kayanin pag marami eh."

Sabay punas sa pawis niya, takot kasi si Ayu sa dugo lalo na nung makita niya yung mga magulang niya na ang daming nagkalat na dugo sa kotse. Simula nun eh may trauma na siya sa dugo ayaw niya rin ng mabilis sa takbo ng kotse. Pagkatapos niya magluto eh sinerve niya na ang mga pagkain sa dining area.

"Kumain na kayo!" tawag niya dun sa mga lalaki.

"Hay! salamat natapos na din kanina pa kami nagugutom "sabay upo ni Hobie sa upuan.

"Tsss...lagi ka namang gutom eh di na bago sa amin yan." pangaasar naman ni jin

"Hmm.... ang sarap naman ng luto mo Ayu." puri naman ni V.

"Lahat naman V masarap sayo eh." pangaarar ni jimin.

Sabay apir ni jin at jimin.

"Kumain na nga lang kayo ang dami niyo pang sinasabi. "awat naman ni suga.

Samantalang si ayu naman eh pinagmamasdan lang sila uupo na sana siya ng biglang magsalita si jungkook.

"Sinong nagsabi sayo na umupo ka? "

"Wala! pero gusto ko na kumain." mataray na sagot naman ni Ayu.

"Hindi sumasabay ang slave sa mga amo kapag kakain." sagot din ni jungkook.

"Eh sa nagugutom na ako eh!" inis na sagot naman ni Ayu.

Ayu POV

"Eh sa nagugutom na ako eh!" inis kong sagot.

Aba! Sumusobra na tong lalaki na tuh ah, ganyan ba siya kagalit sa akin? sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya kung tutuusin nga siya ang may kasalanan sa akin. Tapos ang lakas ng loob na tarayan ako.

"Slave ka lang amo mo ako kaya ako ang susundin mo bawal kang sumabay kumain sa amin antayin mo kami matapos bago ka kumain kasi uutusan ka pa namin."

Ano? nagugutom na kaya ako, palit kaya kami ng sitwasyon grabe tong lalaki na toh di na naawa sa akin. Kahit yung mga kasama niya napangisi na lang at wala man lang umawat sa kasungitan niya! inirapan ko na lang siya at akmang tatalikod na.

BOYS IN LOVE WITH A SLAVEOnde histórias criam vida. Descubra agora