Chapter 4"#BIWASJinToGin"

920 32 0
                                    

"Ui ayu !gising."

"Ui ayu!"

"Ayaw mo gumising ah. "

Ay ingay naman natutulog pa ako eh. Ang dami kong naririnig na parang bubuyog na nakapaligid sa akin.

"Heyahhh!"

Nagising ako nang may maramdaman ako na may dumagan sakin, pero dahil sa bagong gising ako di agad ako nakapag-react.

"Ui jin tumayo ka nga diyan nirerape mo na yan si ayu eh." sigaw ni Hobie

"Wahhhh!"

Nang luminaw ang aking paningin, agad agad kong tinutulak ko paalis ang lalaking nakadagan sa akin. Kaso ang higpit ng hawak niya dahil yakap yakap niya ako. At hindi na ako makahinga dahil sa bigat niya.

"Lumayo ka nga sa akin !" sigaw ko, pero parang walang narinig at sila naman tawa lang ng tawa.

"Ano ? ayaw mo pa bumangon." sabay tayo niya.

"Gin?"

Bumangon naman ako dahil ayoko na madaganan pa ang bigat niya kaya di ko keri.

"Ito na nga diba bumabangon na!bakit ba?" Inis kong tanong habang tinatali ang buhok ko.

"Magluto ka na dun." Walang ganang sabi ni suga.

Tumayo na ako akmang lalakad na, pero biglang may humawak sa wrist ko, si Hobi lang pala.

"Oh bakit?" tanong ko

"Yung mga ginamit mong panglinis dalhin mo na rin wag mo na iwan dito." malumanay niyang sagot

Agad na akong umiwas ng titigan dahil parang naaakit ako sa napakaganda niyang mukha, grabe lang lakas maka attract. Agad ko na rin kinuha ang mga gamit at naglakad na palabas. Dahil mukhang nakakahypnotize yung mata niya.

Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina. Ay! teka di ko alam kung ano ba ang gusto nilang kainin malay ko ba kung ano.

Bumalik ako sa sala kung saan sila tumatambay. Tumayo ako sa harapan nila ata nakapamewang pa.

"Anong gusto niyo kainin?"

"Ikaw." sagot naman ni gin

"hoy! Gin tigil tigilan mo ako sa kaharutan mo, akala mo madadala mo ko diyan. "

Nagtinginan sila sa isa't isa.

"Gin daw?"- Hobi

"Ui Gin, ganda ng pangalan ah"-Jimjim

"Hahahahahahahaha!"

Mga buang kanina nagtititigan tapos naguusap na ang big deal big deal ng pangalan na Gin. Tapos ayan sila ngayon nagsisitawanan na akala mo eh walang bukas. Pinatili ko pa din yung mukha ko na nakasimangot habang tinitignan sila.

"Ayu! Hindi Gin ang pangalan ko kundi Jin. Ganyan ka na ba kabingi para maging Gin ang pangalan ko?" Natatawa niyang tanong sakin.

"Aba !ewan ko, Jin o Gin, magkatunong lang yun ang dami mong arte. Ano ba kasi gusto niyo kainin?"

"Malamang pagkain! Alangan naman tae." Pilosopong sagot ni V.

"Anong klaseng pagkain? pagkain ba ng tao yan?" pilosopong tanong ko. Akala niya siguro papatalo ako sa ugali ng mga ito.

"Pagkain ng tao! mukha na ba kaming hayop para tanungin mo ng ganyan. " singit naman ni Raprap.

"Eh tinatanong ko lang naman at naninigurado narin mahirap na, baka masayang yung pagkain."sagot ko naman sabay talikod, napaka simple ng tanong ko pinapahaba pa ng mga ito.

Na ready ko na yung mga sangkap na gagamitin ko.

_______________________________________
Short update po munaa
#BIWASJinToGin

BOYS IN LOVE WITH A SLAVEWhere stories live. Discover now