Chapter 17"#BIWASExoConcertPart1"

660 26 0
                                    

Ayu POV

"Ah.........."

Naiinis na ako dito kay jimjim kanina pa ah,.. ng ah.... eh kung sundan ko kaya ng 'Eh' tapos yung tissue na nasa harapan ko ipakain ko sa kanya

"Jimjim ano ba talaga sasabihin mo gusto mo ba sa akin magpaturo kung paano ang pagkasunod sunod ng Vowels wiling akong turuan ka"

Baka yun talaga ang dahilan kaya niya ako hinila malay niyo diba..

"Hehehe hindi naman ayu kabisado ko na yun hanggang Z"

Kabisado naman pala eh

"Eh ano?"

"A-a-a...a-a-a"

"E...i....o.....u....."

"Ayu naman panira ka eh"

Ako pa talaga pssh... tinutulungan ko na nga siya matapos yung simple vowels tapos ako pa panira

"Ano ba talaga sasabihin mo?"

"Ano kasi ahmmm...."

tumingin ako sa cp ko at nakatanggap ako ng 1 msg galing kay chanyeol

From:Chany Exo

Be ready 12:30 na pala kita susunduin para mahanap kita ng magandang pwesto ^_^¦¦¦

Tumingin ako sa orasan ng Cp ko 11:00 pa naman eh ....magdidilig muna ako ng halaman

Tumingin ako kay jimjim na pautal utal parin at pinagpapawisan

"Jim ! Ano kinain mo kanina?"

"Ah fried Chicken..."

Kaya naman pala eh ...tsk...tsk....allergic siguro ito sa manok si jim hay naku

"Next time wag ka na kumain nun oh sige mag didilig muna ako ng halaman"

iniwan ko na dun si jimjim na natulala di ko maintindihan pinagsasabi niya baka mamaya mahawa pa ako

Pumunta na ako ng garden nakita ko naman na nakaupo dun si kookies hahaha ayan na bago kong tawag sa kanya narinig ko kasi kanina tinawag siya ni suga na kookies hehe

"Hoy! Kookies ano ginagawa mo diyan?"

"Ano sa tingin mo?"

"Nakaupo...tulala..hmm yun lang kookies"

"What?"

"Nakaupo...tulala..hmm yun lang kookies"

Ano ba naman ito bingi bingihan lang  paulit ulit

"I mean what kookies sino si kookies?"

Ayy! Hehe ...pangasar ko na rin kaya yun sa kanya para mapikon siya wahaha..

"wala !"

Kinuha ko na yun host at binuksan na yung gripo nagsimula na akong magdilig malapit sa pwesto ni kookies

"Hey! Bakit mo ako binabasa?"

"Sorry natamaan ka ba?"

Hehe maang maangan effect pa eh okay lang yan ang saya nga niya asarin

"Magrereklamo ba ako kung di mo ako natamaan"

Mali ata ako ng ginalit hehe..patay kaya naman tinapat ko na lang sa kanya yung host tinakpan naman niya ang sarili niya akala niya di siya mababasa kung tatakpan niya sarili niya tanga rin pala ito eh

"Humanda ka sakin ganyan pala gusto mo ah!"

Agad naman akong humanda sa sinabi ni kookies agad niyang kinuha yung host malapit sa kanya at nagbasaan na kami buti na lang natabi ko yung cp ko hehe

BOYS IN LOVE WITH A SLAVEWhere stories live. Discover now