Starting my Forever with you 60

Start from the beginning
                                    


Patakbo kaming pumasok.  Naghiwalay kami ni Niel para madali naming mahanap si kath. Asan na bayong pusang yon??>>

Kahit nakakahiya ay sumigaw pa rin ako.


Dj: Kathryn!!!!


Nagtitinginan na ang mga tao sa akin. nakakahiya pala ang ganitong eksena? Nakabarong pa naman ako..mukha tuloy akong naghahanap ng bride na nawawala. Paano kaya nagawa ni Kath na hanapin ako noon? Naalala ko pa ang pagbato ng sapatos niya sa akin. Pero don’t worry pusa hindi kita babatuhin ng sapatos dahil alam kong masakit iyon.


Tumakbo ako malapit sa departure area. May mga pa check in na. Nako naman.!!!


Napatigil ako ng makita ko ang likuran niya. Nakapila siya sa papasok na ng departure area. Kahit nakatalikod kilalang kilala ko siya.


Dj: Kath!!!! Tumigil siya sa paglalakad.


KATH’S POV


Nakapila ako sa may departure area ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Pamilyar.


Dj: Kath!!!! Tawag niya ulit.


Huminto ako. kilala ko ang boses. Ang boses na matagal ko ng hinihintay. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Umalis ako sa pila pero hind ipa rin ako humaharap sa taong tumatawag sa akin.


Lumakas ang boses. ...sign na malapit lang siya sa akin. nangingilid ang luha ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na ito. Ang boses na parang sweet music sa tenga ko. The voice that makes me giggles everytime I hear....the voice that I miss.....so much.


Dj: 8 years ago........8 years ago may paalis na unggoy.


Nabitawan ko ang bag ko.



Dj: Pero hindi nakaalis yung unggoy kasi pinigilan siya ng pusa. Hindi niya alam kung bakit, dahil ba sinabi niya sa sulat o dahil ayaw talaga ng pusang umalis siya? pero alam mo...hindi nakaalis yung unggoy kasi sinabi ng pusang yon na mahal niya yung unggoy. Sobrang saya nung unggoy.


Sa tingin mo.....mapipigilan ba ng unggoy yung pusa sa pagalis? Gaya ng ginawa nung pusa noon??

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now