Starting my Forever with you 2

66.6K 1K 128
                                    

Chapter 2

Isang bundok sa La Union ang target ng barkada. Si Albie ang nagdrive, katabi niya si Lauren sa front seat. Mahaba haba nag biyahe. Umalis kami sa Manila ng madilim pa, nakaraitng kami sa isang hotel sa La Union ng mga 8 am na. Hindi ko namalayan masyado ang biyahe. Natulog kasi ako. Syempre...katabi mo ba naman ang mahal mo, ewan ko lang kung sinong hindi mapasarap ang tulog. Parang nanaginip pa nga ako eh.

Nagcheck in kami sa dalawang kwarto. Isa for the boys, isa sa mga girls. Magpapahinga muna kami bago umakyat sa bundok. Dito rin kasi namin imimeet ang guide namin paakyat.

Infairness maganda ang lugar. Mula sa bintana ng kwarto namin tanaw ang beach. Napaka tahimik ng dagat. Hindi maalon kaya parang ang sarap magswimming. Swimming???? Oo, medyo marunong na akong lumangoy ngayon. Yung ilang getaway kasi namin for the past 3 years eh halos puro sa tubig kaya tinuruan ako ni DJ on how to swim. 


Kiray: Wow...parang ang sarap na magswimming!!! Itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay. Kasama ko sila sa may bintana.


Julia: Hindi ka nga masyadong excited eh, suot mo na kasi yung two piece mo.

Napatingin ako kay Kiray. Tama nga, suot na nga nito ang panligo nya. Napapaibabawan lang ng tshirt niya kaya parang hindi halata.

Yen: Wooooooo si Kiray talaga oh..

Bigla kaming nagkatawanan.

Tok!tok!

Ang mga boys.

Diego: Ano ayaw nyong kumain??? Tanong ni Diego

Julia: Pababa na po,,,nagaayos lang ng gamit.

Lumapit si Diego kay Julia at yumakap.

Napansin kong parang wala si Dj at Niel.

Kath: Diegs, si DJ?

Diego: Nasa labas..nagpapahena kasama si Niel.

Pagkasabi no’y itinaas niyaang manggas ng damit niya at

Diego: Babe, look...

Pinakita nito ang tattoo sa kaliwang braso nito. Hena lang din iyon.

JULIA ang nakalagay sa braso niya.

Yen: Oi...............ang sweet!!

Sabay sabay kaming tumawa.

Lumapit si Kiray kay Ej

Kiray: Mocha, ikaw? San mo pinalagay yung name ko???

Ej: Vanilla, hindi ako nagpatattoo eh.

Sumimangot si Kiray

Kiray: Nakakainis ka. Tingnan mo si Albie meron din, pati si Diego. Malamang yung dalawa meron, bakit ikaw lang ang wala?

Tumalikod ito.

Inalo naman ni EJ si Kiray

Ej: Ano ka ba Vanilla, sa puso’t isip ko naman nakatattoo ka na.

Julia: Yun naman pala eh....okay na un...

Simple kaming tumawa.

Kiray: Sige na nga...at least....ngumiti na rin siya.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now