Starting my Forever with you 58

51K 829 132
                                    

I dedicated this chapter to theglamprincess !! thank you gurl for supporting my stories!!

dahil sa ang kukulit niyo! Ito pa!!!!! bukas na ulit!! siguro tapos na to bukas!!!! hahaha!! lalo kayong bitin!



Chapter 58

KATH’S POV

bukas na ang kasal nila Aria. Hindi ako papayag na maging kanya si DJ. Ayoko...kung dati wala akong nagawa ngayon hindi na ako papayag.

Masaktan na ang masaktan pero ayoko nang mag-isa. Tama na ang limang taon. Tama na. Gusto ko siyang makita. Hindi bilang Brent kundi bilang Daniel. Ang unggoy na nagpatibok sa puso ko noong highschool pa lang kami. Ang  unggoy na tinutulan ng destiny.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi man ako makilala ng Daddy mo....pipilitin ko siyang kilalanin ka. You deserve to have a father like him. He’s perfect.

DANIEL’S POV

Kinaumagahan pinuntahan ko si Daddy sa study room niya. Mula kasi ng pagkauwi ko kagabi eh wala ako sa mood para kausapin siya o si Aria. Niloko nila ako. Pinaglaruan. Ninakawan ng pagkatao. Pero sa tingin ko tama lang na sabihin ko na sa kanya ang nalalaman ko. Minahal niya ako ng parang tunay na anak. Kaya hindi ko nga halos naramdaman ang kasinungalingang matagal na nilang itinatago. He deserve a chance. A chance na ipaliwanag ang lahat.  

Kumatok ako at binuksan na rin ang pinto.

Nakatingin siya sa akin. kilala  na niya ako kaya siguro alam niyang alam ko na ang totoo.

Miguel: Patawad.

Dj: Ayoko ng sumbatan ka. Dahil alam mo naman ang sasabihin ko. Galit ako sayo. Sobra.

Miguel: Anak....

Dj: Pero Daddy...may ibang taong nagdusa...at alam mo ba na parang wala akong mukhang iharap sa kanila? Dahil naapaloko ako.

Miguel :Kasalanan ko...nagpadala ako sa pangungulila ng mawala ang asawa ko at si Brent.

Dj: Brent??

Miguel: oo...si Brent...namatay siya sa aksident ilang linggo bago kita mahanap. Si Brent ang kasintahan ni Aria. Namatay siya sa aksidente kasabay ng asawa ko at mommy ni Aria. Yon ang totoo.

Dj: Daddy.....lahat tayo ay biktima ng pagkakataon...;lahat biktima ng tadhanang hindi natin nacontrol. Pero buhay ko to. Sana maintindihan niyo kung babalik ako sa buhay ko.

Miguel: kasal mo na bukas...Brent...DJ...paalis na ako papuntang Madrid. Babalk na ako roon.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now