Starting my Forever with you 8

57.1K 803 269
                                    

Chapter 8

First time kong hindi suot ang necklace. Nakakapanibago dahil kahit may sakit ako, nalligo, kahit panira sa porma, hindi ko iyon hinuhubad. Mahalaga sa akin ang necklace na iyon. Katumbas iyon ng pagmamahal ko sa isang taong matagal ng wala. Nung tinapon ko iyon, signs iyon na I really wanted to be free. Kumawala sa isang bagay na sobra ng nakakasakit sa akin.

Thelma: Asan ang necklace mo??

Pati siya naninibago. Kumakain ako ng agahan niyon. Nakasando lang kaya madali niyang nahalata na wala akong suot na necklace. After 8 years.....

 

Kath: Hinubad ko na po.

Napatigil siya.

Hinawakan ang noo ko.

Thelma: Wala ka namang sakit Chandria. Hindi kaya nagdedeliryo ka na???

 

Inalis ko ang kamay niya.

Kath :Auntie...please....hindi biro ang ginawa ko.

Thelma: Sorry..naninibago lang talaga ako. Pero masaya ako dahil buhay na ulit ang alaga ko.

Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pagluluto.

Pumunta ako sa kwarto. Alas nwebe pa naman ang oras ko kaya, magaayos muna ako ng gamit.

Kumuha ako ng malaking karton.

Kinuha ko lahat ng bagay na nakakapagpaalala sakin kay DJ.

Mula sa accesories, s couples shirts, sa dress na binili niya, sa stuffed toys at ang ----SCRAP BOOK.

Nilagay ko isa isa ang mga gamit na iyon. Para akong nagpapaalam sa mga kapamilyang aalis na. Sobrang importante nitong mga ito sa akin.  Sobrang hirap magpaalam. Huminga ako ng malalim.

Kath: Kathryn Chandria...you can do it! Five years is enough!

Hawak ko ang dress...yung binili niya sa akin 8 years na ang nakakalipas.  Regalo niya sakin nung birthday niya. Ang astig diba??siya pa nagregalo. Sobrang napagod ako sa kakasukat bago niya nabili ito. Niyakap ko sabay inilagay na sa karton.

Isa na lang ang hindi ko pa nailalagay. Ang scrapbook. Andito ang lahat ng pictures namin together. Nanginginig ako. Kaya ko ba talaga?????

Pumikit ako at inligay na rin iyon sa kahon. Nakakainis...sobra akong nahihirapan.

Isineal ko ang kahon at inilagay ko sa likod bahay. Kumuha ako ng gaas at tianpunan ko iyon. Sinidihan ko at nakita ko ng umapoy ito. Hindi ko na kinakaya. Sinunog ko na ang lahat ng mga bagay na makapagpapaalala sakin kay DJ. Lahat lahat. Umiiyak na naman ako at patakbo akong bumalik sa kwarto.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now