Starting my Forever with you 16

52.8K 716 117
                                    

Chapter 16

KATH’S POV

Sa buong usapan yata ay  hindi ko naramdaman ang presensya ni Brent. Kasama namin siya pero nakasimangto naman. Sabi ni Aria, pagod pa raw kasi kaya masama ang mood. Parang batang nagmumukmok si Brent sa tabi ni Aria. Minsan parang nadidistruct ako  kapag nakikita kong tinititigan niya ang bulaklak na nasa mesa ko. Ano naman kaya ang kasalanan ng boquet of beautiful flowers dito? Nakaalis na sila pero naiiwan parin ang alaala ni Brent. Napapikit ako. Bakit kasi naging kamukha mo pa si DJ? Nahihirapan tuloy ako.

Nagbukas ako ng email. Nakita kong nagemail si Ate Sandra. Yung account nga pala namin i DJ, dinelete ko na.

 

Dearest Kath,

 

I can’t wait to see you tomorrow sobra. Hindi na ako magtatanong kung okay ka, reserve that para sa mahaba haba nating chikahan pwede ba?

 

Si Daniela pala, kinakamusta ka...nako dalaga na ang inaanak mo. Gusto sana niyang sumama kaso, may pasok kasi siya so kami lang ni Kuya Henry mo ang uuwi sa Pilipinas.

 

I miss you so much!

 

See you soon.

 

Love,

 

Ate Sandra.

Napangiti ako.

Si Ate Sandra talaga. Naalala ko ng umuwi sila Ate Sandra dito sa Pilipinas three days after mamatay ni Dj. Hindi kasi sila agad nakauwi dahil nagkasakit ang Daddy ni Kuya Henry.

Sa airport pa lang daw, umiiyak na siya sabi ni Kuya Henry.  Sinamahan ko sila sa cementery noon. Umiiyak si Ate Sandra ng todo. Close na sila Dj.  Ako....wala nakatinign lang. Tulala. Naiyak na lang ako ng yakapin ako ni Ate Sandra at sabihing “iiyak mo yan, hindi yan nakakabuti sayo.” Kung sila nga kaibigan lang nila si Dj...ako? girlfriend. Yung hurt mas mataas ang level.

Huminga ako ng malalim. Ayoko ng maalala. Ayoko na. I realized that the greatest pain that comes from LOVE is loving someone you can never have.......again.

Tumingin ako sa relos ko. 7PM na pala??? Hindi ko talaga namamalayan ang oras pag si Dj ang nasa isip ko. Occupied niya ang buong sistema ko. Kaya nga dati hindi ko man lang naramdaman na ilang araw na pala akong hindi nakakatulog, kung ikukumpara ang ako pagkatapos mawala ni Dj eh masasabi ko namang mas matatag na ako ngayon. I promise myself na never again will I locked myself on the comfort room so nobody will see me crying. Nasanay na akong itago ang nararamdaman ko sa buong mundo. Napapagod na akong maging mahina at maging kaawa awa. Limang taon......limang taong  halos binuro ko ang nararamdaman ko kahit na parang mamamatay na ako sa sobrang sakit.  Tama na. Ayoko na.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon