Starting my Forever with you 41

48.1K 663 115
                                    

To one of my reader na malapit na sa puso ko HoneyTigson. Salamat sa maraming magagandang salita na sinabi mo tungkol sa akin. Feeling ko tuloy ang galing  galing ko pramis!!! Hhaha..EMO??



Chapter 41

 

KATH’S POV

Cancel ang meeting dahil wala si Aria at Brent. Nasa ospital pa rin si Aria hanggang ngayon at sa pagkakaalam ko ay wala parin siyang malay. Maaga akong umalis ng bahay hindi para pumasok. Kundi para pumunta sa ospital.

Hindi ko alam kung bakit mas gusto kong nasasaktan ako ng todo. Pero gusto kong makausap si Brent. Mula ng umuwi ako eh hindi pa kami nag uusap. Gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng nangyari sa Palawan o wala lang. Natatakot at sa magiging sagot pero ayoko ng muli pang umasa. Umasa at masaktan. Tama na.

Narating ko ang ospital. Ipinagtanong ko ang kwarto ni Aria. Papunta na akong ng may lumabas na matandang lalake sa loob ng kwarto..he’s calling the doctors. Nagising na raw si Aria.  Ilang saglit akong naghintay pa sa labas. Hindi ako nagpapahalatang doon ang punta ko sa kwartong iyon.

Muling lumabas ang doctor at halos kasunod lang ang matandang lalake. Ng masigurado kong wala na sila ay unti unti akong lumakad papunta sa kwarto ni Aria.

BRENT’S POV

 

Magdamag kong binantayan si Aria. Nakatulog na ako sa pagbabantay sa kanya. Nagulat na lang ako ng may tumatawag sa pangalan ok.

Aria: Brent.....honey......

 

Minulat ko ang mata ko. Gising na si Aria.

Brent: Aria?.....gising ka na,...Aria.....what happened??

 

Miguel: Aria?...Brent ikaw na muna ang bahala sa kanya...tatawagin ko ang doctor.

 

Brent: Okay Dad...hinawakan ko ang kamay ni Aria. I am glad she’s safe now . Ngumiti lang siya.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon