Chapter 23
KATH’S POV
Ano naman kaya ang nakalimutan ni Brent. Pumasok ako sa conference hall. Malinis na nga ang buong kwarto. Sabi ni Ate Susi, janitress namin, may naiwan ngang panyo sa conference hall. Sabi niya pa nga ay dalawa ito. Dalawa?? Eh bakit miski isa walang naiwan?? Asan na yung panyo ko?? Pinabanguhan ko pa naman yon. Sayang naman pero di bale na marami namang kapareha yon eh.
Magaalas –syete na ng napagpasyahan kong umuwi. Sinalubong ako ni Auntie Thelma ng marating ko ang bahay. Pinagbuksan niya ako ng gate.
Bumaba ako sa kotse. Kinuha ko ang mga gamit ko sa compartment at pumasok na. Tinulungan rin ako ni Autie sa pagbitbit ng gamit ko.
Thelma: Kath, nagugutom ka? Gusto mong ipaghain kita? Sabi niya habang kasabay kong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.
Kath: Hindi na po muna, gusto ko pong magpahinga na.
Pagpasok ko sa kwarto ay ibinaba ko ang gamit ko at nagpalit na. Bumaba na rin si Auntie. Humiga ako at nakatulog na kaagad.
BRENT’S POV
Pagkahatid ko kay Aria ay bumalik na ako kaagad sa bahay. Dumerecho ako sa kwarto ko. Nagugulo ang isip ko dahil sa amoy ng panyo na naiwan sa conference hall kanina. Agad kong kinuha ang panyong nasa bulsa ko mula kanina pa. Inamoy ko ulit ito. Perfume ng babae, mild lang ang amoy nito. Nakaramdam ako ng saya sa pagkakaalala sa amoy na iyon pero sino sino o ilan ba ang empleyado sa Brandworks na ganoon ang pabango? Paano ko siya hahanapin?
KATH’S POV
YOU ARE READING
MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2
FanfictionMy mind might forget you, but my heart says....it is you.....it's always you - DJ on Kath When he died......I even lost my life...and my heart.....siya lang ang lalaking gusto kong makasama...habambuhay. So how I can move on???? How can I live my...