Starting my Forever with you 12

56.8K 777 108
                                    

Chapter 12

Before 7 nakapagbihis na ako. Umupo ako sa kama. Mamumuhay ako ng panibago. Mammuhay ako ng parang hindi na ako si Kathryn Bernardo.

Pumikit ako. Chandria, anong sakit pa ba ang dapat mong pagdaanan huh??? Tumigil ka na. Sobra ka ng masukista.

Upang mawala ang naiisip ko, bumaba na ako sa lobby para hintayin ang sundo ko.

Nasa isang coffee shop ako ng pumasok rin doon si Brent Arellano. Hindi niya ako nakikita. Undeniably, kamukha siya ni DJ. Ano bang ginawa ko sa tadhana at pinaglalaruan niya ako ng ganito? Kung kelan gusto ko nag magmove on tapos ganito? Magpapadala siya ng isang lalaking kamukhang kamukha ng taong gusto ko ng kalimutan.

From now on....hindi ko na sasabihin ang panagalang...D.\@#%. Hindi na.

Palapit siya ng dali dali akong tumayo at umalis. I need to escape from the things na makakapagpaalala sa akin sa kanya. Magresign kaya ako??? Para hindi ko na makatrabaho ang lalaking to??? Hmmmm.....

Narating ko na rin ang Honrales Davao Mall. Pasara na ang mall kaya maya maya ay pwede na rin kaming mag-umpisa sa set-up namin.

Nakita ko na si Miles.

Kath: Hi so, kompleto na ang team??

 

Miles: Yes, except kay Kyle Lozano. I told you.

Umling ako.

Kath: Okay, tumawag na sa akin si Gino. Dadaan daw siya kung kaya niya. So dapat maging maganda ang set-up na to.

 

After 3 minutes dumating na rin si Kyle.

Kyle: So, umpisa na ba??

Tinaasan namin siya ni Miles ng kilay.

Kyle: O-o-o-o sakto lang ang dating ko huh...masyado kasi kayong maaga.

Nagulat kami nang sumulpot si Brent Arellano. Anong ginagawa nito dito???

Kyle: Sir

 

Miles: Sir.

 

Ako tumango lang.

Brent: gusto ko alng maensure na magiging maayos ang lahat.

 

Ikaw na ang walang tiwala Brent Arellano. Badtrip!!!

Nagsimula ang set-up ng 9 pm. Todo asikaso kaming tatlo. Grabe pawis na pawis na ako, kahit na may aircon sa buong mall. Ito na ang PAGOD at PUYAT na inaasan ko.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن