Starting my Forever with you 9

55.5K 731 155
                                    

Chapter 9

Narating ko na rin ang burol. Kailangan kong mahanap ang kwintas, pagakatapos kong sunugin ang lahat ng magpapatunay na siya si DJ, ay ito na lang ang meron ako. I need to find it. Ito lang ang makakatulong sakin para maalala niya ang lahat lahat kung nakalimot man siya.

Hinanap ko iyon halos sa buong lugar. Hindi ko iyon makita. Nagpumilit rin akong bumaba sa abot ng makakaya ko. Medyo delikado ito, dahil isang malaking hakbang pwede kang mahulog pababa at mamatay, kung hindi man ay magkadurugdurug ang buto.

Tumingin ako sa ibaba. Parang dito ko talaga ihinagis iyon eh. Parang dito talaga. Pilit kong inaabot ang gawi sa baba. Konti na lang.....

Hindi ko namalayang mapuputol na pala ang sangang hinahawakan ko.

Arghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!

Muntik na akong mahulog kung hindi lang sa isang taong kumapit sa braso ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya.

Hinila niya ako pataas.

Robie: I angat mo ang sarili mo!

 

Tumango ako.

Medyo masakit na ang braso ko.

Binigay niya ang isang malakas na pwersa at naiangat na rin niya ako.

Napahiga ako sa damuhan.

Robie: Okay ka lang???

Tumango ako.

Hingal na hingal kaming pareho.

Kath: salamat pala.

 

Tumayo ako ng mabilis. Tumayo na rin siya at sabay kaming nagpagpag ng damit.

Kath: You are???

Robie: I am Robie Domingo.

Nagulat ako. Anong ginagawa niya dito??? Sinundan niya ako?

Kath: Sorry.....mejo may something urgent lang akong dapat asikasuhin.

 

Robie: I understand. Ano bang kinukuha mo riyan?? Muntik ka pang malaglag.

 

Kath: Ah....isang bagay na mahalaga para sa akin. Anyways,,maiwan na muna kita huh...magkita na lang tayo ulit. Salamat.

Mabilis akong bumalik sa kotse at pinaharurot yon pauwi ng bahay.

 

 

ROBIE’S POV

Kilala ko na ang babaeng kakatagpuin ko ngayon. Binigyan ako ni Niel ng picture niya. Hindi naman talaga ako nakikipag eye ball o blind date. Pero mula ng makita ko ang litrato ng babaeng yon, biglang may kung anong feeling akong naramdaman na hindi ko alam kung ano.  Love at first sight ata. Hindi ko alm kung talagang sobra kung magsales talk lang si Niel pero ang sabi niya hindi lang raw maganda ito kungi mabait pa. Nagtataka pa nga ako nung una kung bakit hinahanapan niya pa eh kung  pag tiningnan mo ang babaeng ito ay ito ang tipong maraming magkakandarapang lalaki. Ito ang tipong pinipilahan dagdag pa ang maganda nitong ugali.

Palapit na ako sa pintuan ng Felinos ng makita ko ang babaeng dapat ay makakadate ko. Tumatakbo ito palabas. Kinuha ang kotse at piaandar iyon.

Sinundan ko siya. hindi ko alam kung anong nangyayari dahil parang nagmamadali siya. parang nakita ko pang naiiyak siya.

Huminto siya sa isang di mataong lugar. Isa iyong burol. Isang lugar na hindi mo aakalaing pupuntahan ng isang babaeng katulad niya. Anong gagawin niya rito.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon