Starting my forever with you 36

51.9K 766 68
                                    

Itong chapter na to ay dinededicate ko kay YedaBlancaSosa. Gurl thank you sa pagbabasa ng story ko na ito. Alam kong marami sa inyong mga readerss ko ang busy...kaya bet na bet ko ang mga comments niyo.


Thank you for reading...super duper happy ako dahil isa ka sa mga walang sawang reader na nagmamahal sa storyang ito.


I LOVE YOU ALL READERS!



CHAPTER 36

 

MIGUEL’S POV

Alam kong malapit ng maalala ni Brent ang totoo. Natatakot ako, naiintindihan ko ang nararamdaman ni Aria pero siguro dapat na naming itama ang lahat. Marami na akong kasalanan kay Brent o  Daniel. Marami na. Una, sa pagnanakaw ko ng pagkatao niya at pangalawa sa pagtatago ko ng totoo sa kanya. Nakakaguilty pero masakit ang iwan na naman ng anak. Oo, na naman. My son Brent....he died five years ago with my wife and Aria’s Mom.

Masakit. I am left alone. Kaya nung nailigtas ni Mang Ernesto si Daniel sa gumuguhong bundok ng gabing iyon ay nakaramdam ako ng panibagong pag-asa. Halos parang gulay na siya ng mga panahong iyon....tandang tanda ko pa...

 

“DON MIGUEL! DON MIGUEL!!” Sigaw ni Ernesto. Malakas ang ulan ng panahong iyon. Isang linggo pa lang pagkatapos ng libing ni Brent at ni Leonor ang aking asawa. Umuwi ako ng Pilipinas pagkatapos na pagkatapos ng libing. Patakbo akong pumunta sa pinto. Wala ang aking mga kasambahay noon.

Nagulat ako sa karga karga ni Ernesto. Halos gulay na ang batang lalakeng buhat niya. Duguan at puno ng putik ang buong katawan.

“Ernesto anong nangyari sa batang yan?”...tanong ko. “Don Miguel, nakita ko ho siyang nakaipit sa isang malaking tipak ng bato. Gumuho na naman ho kasi ang bundok...” tarantang sabi ni Ernesto. “Madali ka.!! isakay mo siya sa sasakyan at dadalhin natin siya sa kay Antonio.”

Hindi namin siya dinala sa ospital.  Malayo layo rin kasi ang ospital sa bayan na iyon. Puro clinic lamang, mabuti na lamang at may kilala akong bihasang doctor.

“Don Miguel, sino ho siya?” Sabi ni Antonio ang doctor na kaibigan ko. “Antonio kailangan ko ng tulong mo..hindi na aabot ang batang ito sa hospital, kailangan mo siyang gamutin.” Sabi ko kay Antonio. “Don Miguel...grabe ho ang  sugat niya sa ulo. ....kailangan ho natin siyang dalhin sa hospital”  sabi ni Antonio. “ Wala na tayon panahon...kaya mo yan...ako ang bahala sa mga gagamitin mo” ang sabi ko naman sa kanya. “Ipakukuha ko ang mga gamit ni Leonora sa bahay...” dugtong ko pa. Doktora ang kapatid kong si Leonora at kompleto pa siya ng gamit na pang hospital. Kailangan kasi niya iyon dahil siya na ang takbuhan ng mga nagkakasakit sa bayan na iyon. Kami lamang ni Leonora ang umuuwi sa Pilipinas dahil si Brent ay nagaaral sa Madrid.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now