Starting my Forever with you 60

53.9K 1K 185
                                    

I dedicated this chapter to Krizialouise. Gurl thank you for your time reading my stories....at saka sa bongang bongga mong comments!

Chapter 60

 

KATH’S POV


Nagulat si Mommy ng sabihing kong paalis na ako papuntang Greece. Bakit nagmamadali daw ako eh pwede ko namang gamitin ang ticket kung kelan ko gustuhin. Gusto ko sanang sabihing..isang segundo na lang ng ilalagi ko sa Pilipinas ay ikamamatay ko na talaga. Malamang sa mga oras na to eh kasal na sila. Bakit ba ako umaasa? Mas pinili niya si Aria. Mas mahal niya si Aria. Hinawakan ko ang tiyan ko.


Baby...kaya naman nating mabuhay ng tayong dalawa lang diba?? kaya naman nating maging masaya ng tayong dalawa lang eh. Kasi si Daddy...mas pinili niya ang iba para maging masaya. Kaya dapat kayanin natin to. M asakit man pero sa simula lang yon...masasanay din tayo.


Tinawag na ang flight number ko. Tumayo na ako ng mabigat ang loob.


DANIEL’S POV


Gusto ko nang paliparin ang kotse sa daan. Si Niel ang nagdidrive. Kinakabahan ako baka hindi ko siya maabutan. Kathryn Bernardo...wala ka paring pinabago..mainipin ka pa rin.


Dj: Niel...pakibilis pa...yung mag-ina ko ...paalis na..


Niel: Mag-ina??? Sabi niya. Nabigla din siya.


Dj: Oo buntis si Kath..kaya bilisan mo jan dahil papatayin kita paghindi mo naabutan yon.


Niel: Kaya pala ang sungit at mejo tumataba...buntis pala??....


Dj: bilisan mo na!!


Niel: Eto na...grabe ka...akala ko multo ka kanina...


Dj: Magbiro ka pa?? Mamaya na natin pag-usapan yan pagnapigilan ko na si Kath...bilis!!!


Sa wakas ay narating na rin namin ang airport. Naku ang daming tao. Naalala ko pano kaya ako natunton ni Kath nung ako naman ang hinabol niya dito??? Ang hirap maghanap. Parang naghahanap ka ng karayom sa isang bundok ng dayami. Bilib talaga ako sa talas ng mata ng pusang yon.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now