Starting my Forever with you 50

48.5K 705 185
                                    

I dedicate this chapter to my beloved cousin jessapotlayag!!! Neng.......alam kong isa ka sa mga solid fans ko!


wala akong masabi....hahahah.....


Chapter 50

 

 

KATH’S POV

Nasa harap ako ng salamin ngayon. Piangmamasdan ko ang katawan ko. Parang tuamtaba nga ako. Ganito ba pagwalang trabaho? Natigilan ako ng mapatingin ako sa kalendaryo. Halos isang buwan na ba akong delayed? Pero hindi naman talaga kasi regular ang menstruation ko. Kinabahan ako ng maalala ko ang mga nangyari sa Palawan. Buntis kaya ako? Pero pano kung oo? Buntis din si Aria.

Sila ang legal na pamilya. Pano kung buntis nga ako? kawawa naman ang baby ko. Walang tatay na masisilayan pero kakayanin ko, ginusto kong mangyari yon eh.

Hindi ko alam kung bakit mas gustong gusto kong lumabas sa mga nakalipas na mga araw. Parang kating kati ang paa ko sa paggala.

Hindi naman ako ganito dati. Ako pa na eh mas gusto ko ngang mag-isa. Napagdesisyunan kong pumunta sa Mall. Naglalakad lakad pa muna ako dahil hindi ko pa mapagdesisyunan kung ano ang gagawin ko o bibilhin ko. Napagpasyahan kong pumunta sa isang bookstore. Pabukas pa lang ako ng isang libro ng makaramdam ako ng hilo. Halos mapahawak ako sa shelves. Ipinilig ko ang ulo ko. Ipinikit ko ang mata ko ng mariin atiminulat ulit. Grabe. Parang umikot ata ang mundo ko kanina. Akala ko ay dala lang kakulangan sa tulog. Pero naalala ko maayos pala ang tulog ko kagabi. Bakit kaya ako nahihilo? Dati naramdaman ko na rin ito. Nung halos dalawang araw yata akong hindi natulog o kumain.

Dahil sa nawala ang amor ko sa libro ay lumabas na ako at naglakad lakad ulit. Nahihilo na naman ako. halos mabuwal ako ng sumakit ulit ang ulo ko. Hindi ko alam pero may biglang kumabig sa akin para hindi ako bumagsak sa baba.

Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Si Robie. He was smiling.

Inalalayan niya ako hanggang maabot namin ang isang bench.

Robie: Are you okay?

Tumango ako.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora