"Meronpa, ang Madrigal Twins, Pinadala sila sa mundo ng mga tao kasi may nag kakalat na dhampir doon na napag disisyunang maging bampira, ang kapangyarihan naman ng dalawang yun ay kalokohan" sabi ko at natawa siya.

"Kalokohan? kaylan pa naging kapangyarihan yun?" tanong niya Natawa ako kasi di niya ma gets sinasabi ko.

"Kapag nahulog ka sa kalokohan nila, mas mabuting mag pakamatay kana kasi mamamatay kana nga pag lalaruan at pahihirapan ka pa nila" sabi ko at ngumiwi mukha niya hahaha, natakot yata.

"Grabe naman ang brutal nun" sabi niya at hindi na kinain yung almusal niya.

"Lahat kami brutal Rachelle, matanda kami sayo ng ilang daang taon kung tutuusin at madami na kaming napatay noon, di na namin mabilang, iba ang takbo ng oras sa mundo niyo sa mundong ito, na subukan ko nadin kasi makapunta sainyo, ang isang araw doon apat na araw na dito, dahil narin siguro sa imbalance ng time and space kaya ganoon" sabi ko at tumango lang siya, namumutla, hala hahaha, natakot ko nga.

"Masasanay ka din Rachelle at isa pa! hindi lang yung foresight ang kapangyarihan mo kaya! Nakokontrol mo ang panahon tapos may telekinesis ka pa sosyal ka ha" sabi ko at napangiti siya, basta cute ngiti niya nakakahawa pa.

"May alam ka ba sa mommy ko?" tanong niya at napabuntong hininga ako.

"Alam mo ba kung bakit ayaw na ayaw mag kadaum palad ng Dhampirs at lobo?" pag iiba ko ng ropic at umiling siya.

"Natur lang iyon sa mga palabas na napapanood ko sa mundo namin" sabi niya at tumango ako.

"Kasi nga di talaga sila mag ka sundo kilala mo yung director ng Twilight ng hollywood doon?"tanong ko at tumango siya

"Nakalimutan ko na pangalan niya pero alam mo bang Dhampir siya?" tanong ko at lumaki mata niya.

"Di nga?! seryoso?"tanong niya at ngumiti ako.

"Saan pa kaya sila makakakuha ng idea na totoo ang bampira, mangkukulam, dhampir, lobo kundi sa katotohanan din, syempre pag gagawa sila ng palabas inspired of something else yun, kunbaga pag ikaw gagawa ka ng libro, ibabase mo iyon sa mga alam mo, ibabase mo sa katotohanan para makagawa ng fiction pero syempre hindi nila sasabihin lahat ng katotoohanan, delikado sa lahi nila"sabi ko at tumingin lang siya sakin.

"Eh di totoo si Dracula?"tanong niya at natawa ako, ano un ung natutulog sa kabaon, lol luma na iyon!

"Hindi natutulog ang bampira sa kabaong, kung gusto niya matulog bilang isang normal na tao magagawa niya, pero may dalawang klase ng bampira ang Royalty na hindi natatablan ng araw, pag saksak ng kahoy sa puso at may repelksyon sila hindi tulad ng mababang uri ng bampira, na kabaligtaran ng royalty, kaya panigurado yung gumawa ng dracula mababang uri ng bampira" sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Di mo parin nasagot tanong ko"sabi ko at ayon nahalata niya na iniiwasan ko.

"Hindi kasi ako dapat mag sabi niyan, oo kasama na kami ni sir Landon ng mga panahon na iyon pero hindi namin alam lahat, pero ito lang alam ko, iwasan mo ang mga lobo kasi ngayong alam nila na buhay ka,papatayin ka nila"sabi ko at napabuntong hininga siya at nanlumo sa upuan niya.

"Bakit?ano ginawa ko sa mga yon"sabi niya at napahalum baba nalang ako, wala talaga siyang alam sa mundong ito.

"Noon kasi marami ang dhampir na may kapangyarihan, may eskwelahan nga para sakanila, pero dahil sa inggit ng mga bampira at lobo pinatay nila ito, walang magawa ang mga dhampirs kasi sanib pwersa ang mga ito, kaya kami kinupkop ng hari dahil kapag di niya kami nilagay sa poder niya ganun din ang kahihinatnan namin, mga inggitero eh"sabi ko at parang natulala siya, iniimagine niya siguro hahaha.

"Sa iba't ibang pag kakataon kami nailigtas si sir Landon, alam mo na kung pano niya ako nailigtas, hindi ko alam sa iba naming kasama pero panigurado i kwekwento din nila sayo, ngayon hindi na sila makapasok sa teritoryo natin ang mga bampira , kasi yung mga borders natin may nilagay na spell ang mga fairies, ang mga lobo naman, hindi namin alam kung pano sila nakapasok kaya hinigpitan ng hari ang seguridad ngayon sa boung palasyo"sabi ko at tinginan ko lang siya, ang liit ng mukha niya at ang putla ng kutis niya, mukhang may itatanong pa siya ng may biglang sumulpot sa tabi niya, nagulat nga ako muntik na ako mahulog sa upuan ko, nakatingin lang sakin si Cyrus, rephrase natin, masama ang tingin niya sakin.

"hehehe, alis na muna ako!"sabi ko at kumaripas ng takbo, jusko naman papatayin pa ako sa tingin ng isang yon.

Nasa Hallway akong west wing ng palasyo ng bigla akong maapakan na tali, dahan dahan kong inalis paa ko doon at bigla akong bumaligtad at lahat ng nakikita ko ay baligtad din! tang*na! nakalambitin ako ng patiwarik!!!

"Yan' yan dapat sayo! akala makakalimutan ko ginawa mo sakin?"tanong ni Renze na nasa harap ko, nakabaligtad din siya, pakiramdam ko lahat ng dugo ko pumupunta na sa ulo ko.

"Hey! Mamamatay na ako ibaba mo ko dito!"sigaw ko at tumawa siya ng nakakatakot! litsi! yung tingin niya nakakatakot!

"Pay katapos mo makilala yung bestfriend ko!"sabi niya at nanlaki mata ko! syet! alam ko na to! bestfriend niya!!! may hinila siya mula sa likod niya at pinikit ko agad mata ko.

"hahahahaa!" tawa niya ng mailabas niya ang isang barbie doll!

Oo!!! takot ako dyan! takot ako sa barbie! nag ka trauma ako dyan kaya wag niyo ako husgaan! ilang buwan ako hindi nakatulog dahil diyan noon! syet! syet! syet! mamatay kana Renze! parang awa mo na!

"Say the magic words!" sabi niya at napangiwi ako ng idampi niya sa mukha ko ung manika at nag sabi siya ng 'muah' 'muah'.

"syet ka! tang*na ka! mamatay kana!" sigaw ko pero di parin siya tumigil.

"Ngeeem. Acces denied!" sabi niya at gusto ko na maihi sa takot.

"Gusto daw ng bessy ko ng french kiss Kyle!" sabi niya kaya nanlaki mata ko na agad kong pinag sisihan kasi nakita ko si Barbie,SYET!!!!!!!

"GWAPO KA, IKAW PINAKA GWAPO SA LAHAT!"sigaw ko at tumawa siya, nakita kong tinago niya yun barbie sa likod niya kaya naka hinga na ako ng maluwag.

"Ibaba mo na ako hoy!"sigaw ko at nilagay niya yung gunting.

"ok!"sabi niya at ginunting niya yung tali, tapos na realize kong...

"Gago! masakit yon!"sigaw ko ng mahulog ako, sakto pa sa gwapo kong mukha! ano bang kamalasan ito!

"Dyan kana bye!"niya at iniwan akong nakasubsub sa sahig.

"Kawawa ka naman dyan Kyle" narinig kong sabi ni Jasmin, isang Royal Fairy.

"bwi*it kasi yon eh!"sabi ko at tiningnan niya ako ng masama.

"Wag mo sabihin yan sa crush ko!" sigaw niya at napataas kilay ko, ang liit liit pa ng alitaptap na to tapos pa crush crush na siya!

"Bakit ka pala nandito?!" tanong ko at nag cross arms siya at masama ang tingin, ok bat hindi ako natatakot sakaniya?

"Malamang pinatawag kami ng hari niyo para mag lagay ulit ng spells sa borders! Wag tang*!" sigaw niya at napangiwi ako, lakas ng loob ng alitaptap na to ah!

"Baka paluin ka ng kuya mo kasi may crush kana isusumbong kita!"asar ko kaya agad siyang nataranta, nanlaki mata niya.

"Hoy! wag mo ko isusumbong kay kuya Brayden! ikaw isumbong ko sa hari niyo eh! akala mo nakalimutan ko na yong pag lalandi mo sa pinsan namin!"sigaw niya at bigla ko ngang naalala yon, hahaha good memories yon aba! hahahaha, pero nabuntis yon ng ibang lalake pinapaako sakin kasi daw mabait ako aba! hahaha kahit mabait ako di ako aako ng anak ng babaeng parang basahin kasi nag pagamit na sa iba ahy aba nahiya ang basahan sakaniya kasi pwedi pa iyon labhan at malinis na eh siya! hahahaha! tae niya. So ayon naiwan akong nakatanga sa hallway.Walang katao tao dito.

Nagugutom nanaman ako.

The long lost Dhampir Queen Donde viven las historias. Descúbrelo ahora