Narinig kong iniisip niya, ngumiti ako sakaniya .

"Rachelle, tumayo na siyang ama namin, syempre kasama na rin doon ang pag aalala at pag didisiplina saamin, pero ni minsan hindi kami pinag buhatan ng kamay ng iyong ama, well except pag nag aaway kami ng mga ugok na to o kaya sa training" sabi ko sakaniya at tumango tango lang siya.

"Tema pano mo nalaman iniisip ko?", Nag tatakang tanong niya at tumawa ako, napatingin sakin si Cyrus na palabas na ng opisina, parang pinapatay ako eh!

"Wait lang gutom na ako, sa kusina na tayo mag usap grabe ang bigat ng atmosphere dito"Sabu ko at hinila siya papunta sa malaking kusina ng palasyo, may mga maid na nag lalagay ng mga almusal sa mga tray para sa mga naninirahan sa palasyo. Hila hila ko parin siya ng kumuha ako ng tray ng pag kain, may dalawang plato doon ng over-easy eggs, bacon at hotdog may baso pa ng tubig doon kaya yun nalang dinampot ko at dinala ko siya sa may garden na may bilog na mesa.

"Tara almusal tayo"aya ko sakaniya at inabot niya yung isang plato at sumubo ng fried rice at itlog.

"Sasagutin mo ba tanong ko?" tanong niya sakin at natawa ako.

"Oo nga pala, nakalimutan ko gutom na gutom kasi ako" sabi ko at uminom ng tubig.

"Mind reader ako, kung tatanungin mo kung pano hindi kita masasagot ang alam ko lang pili lang ang nabibigyan ng mga kapangyarihan, kahit ang hari walang ganitong ka espesyal na kapangyarihan eh" sabi ko at tumango tango siya.

"Si Abiegail meron din?" tanong niya at naalala ko ang unang pag gamit ng babaeng yun ng kapangyarihan niya ako yung naka jackpot eh!

"Oo sila ni Nichole, Elemental dhampirs sila, kahit na anong may kinalaman sa kalikasan o elemento ang nakokontrol nila, si Piolo nakaaapag patulog ng kahit na ano kahit nga sarili niya kaya palaging tulog yun"sabi ko at nakatingin lang siya sakin kaya sumubo ako ng bacon at fried rice.

"si Cyrus at Renze?"tanong niya at napangiti ako hahaha, may kasalanan pa pala ako kay Renze.

"Si Renze apoy lang kapangyarihan niya, asul na apoy na nagiging abo lahat pag gagamitin niya nito, si Cyrus? hahaha, Shield yun" naka kunot noo niya sakin ng sabihin ko yun.

"Pag may aatake isasangga niyo siya?" tanong niya kaya humagalpak ako ng tawa, nakasimangot lang siya sakin.

"You're a funny one, hindi! eh di pinatay na kami nun! ganito kasi yun, kahit anong kapangyarihan hindi tatalab sakaniya, di ko nga nababasa isip non!" sabi ko at nakita kong ngumiti siya, okay bakit ang cute niya?

"Nakiita ko ang hinaharap eh, normal lang ba na kakayahan iyon?"tanong niya kaya yung iniinom kong tubig naibuga ko.

"Normal! minsan lang sa ilang decada nag kakaroon ang mundong ito ng Dhampir na may ganyang kakayahan!"sabi ko at doon ko napagtanto na totoo nga ang sabi sabi na kumakalat na balita.

"Pati nakaraan nakikita ko" sabi niya at tiningnan ko siya nakangiti lang ako kasi bibihira talaga yun.

"Papaano mo makikita yun?"tanong ko at patuloy parin sa pagkain ng hotdog ko.

"Pag hinawakan nila kamay ko"sabi niya at napatigil ako sa pagkain, nakatingin lang siya sakin.

"Ano mang nakita mo Rachelle, sarilihin mo nalang"sabi ko at tumango siya kaagad, buti naman mamaya mabuking mga kaanuhan ko noon eh nakakahiya sakaniya! Habulin pa naman ako ng chicks noon! tsk tsk tsk! Ngayon kasi nag sawa na ako, bagong buhay na kasi! naaawa na kasi ako sa mga napapaasa at napapaiyak ko!

"So kayo-kayo lang ni Piolo, Abiegail, Cyrus, Renze at Nichole ang mag kakaibigan?" taong niya kaya agad akong umiling hahaha, asa siya mas malala kami kapag pinag sama na kami.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon