Pero si South 'to, eh. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman kapag humalik nga siya. Parang gusto ko na 'tong laro namin.
Bahay-bahayan.
"Start na po!"
Umatras ng kaunti si South. Then, naglakad na siya palapit sa'min. "I'm home."
Parang gusto kong tumawa kasi nagkunwari pa siyang may nilo-loosened na necktie kahit na plain black T-shirt lang naman ang suot niya.
Awe, kina-career niya yung role niya bilang ama. Cute!
"Daddy!" Inunahan pa ako ni Timmy sa paglapit kay South. Lumambitin ito sa leeg ni Bata at pinupog ito ng halik mukha. "Missed you po!"
South smiled. "Missed you, too, Baby." Hinalikan niya si bunso sa noo. "Where's Mommy?"
Parang pinangapusan ako ng hininga.
Shit.
Ba't feeling ko mag-asawa talaga kami ngayon?
Wait, paano ako aarte? Shocks! Laro lang 'to for Pete's sake pero parang masisiraan ako ng bait sa nangyayari.
"Ayon po siya, oh!"
Parang huminto yata ang mundo ko nang lumingon siya sa akin at nginitian ako. Ibang klase talaga ngumiti si South, nakakapagpawala ng katinuan.
Lumapit siya sa akin at ako, ito, naistatwa na sa puwesto ko. Nakaupo ako sa couch kaya yumuko pa siya para halikan ako sa noo. Napalunok ako. Ano ba 'to, Jade! Aba'y kumilos ka naman!
YOU ARE READING
She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]
General Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso-solve ko rin ang puzzle na binuo mo sa isipan ko sa mga panahong kasama kita...
Chapter 33
Start from the beginning