Chapter 27

1.9K 58 3
                                    

Luke's POV

Matapos tumugtog ng Kumag na yon ay kasabay nito ang masigabong palakpakan ng mga bisita.

Okay. Sya na ang magaling.

Tumingin ako kung san nakapwesto si Sheen pero wala sya. San kaya nag punta yun? Gusto ko syang makausap.

"Luke! Tara na sa table natin." sabi ni Loren.

"Okay!" maikling sagot ko at sabay kami naglakad papunta dun sa table namin.

Nang makaupo na kami ni Loren ay nakita ko sila Jom na papunta narin sa pwesto namin. Magkakasama kasi kami dito sa isang table.

Nang makalapit sila ay naupo na din sila.

"Nasan si Sheen?" tanong ni Greg.

"Di ko nga alam e. Kanina katabi ko lang sya. Di ko napansin na wala na pala sya sa tabi ko." sagot ni Mackoy na may halong pag aalala.

"Ano kayang problema ni Sheen? Kanina okay lang naman sya diba? Pero nung pagbalik nya mugto na mga mata nya." -Jigger

"Oo nga e. Ano kayang nangyare sa kanya?" -Jom

Nag aalala ako kay Sheen. Gusto ko syang makausap. Gusto kong malaman ang problema nya baka may maitulong ako. Gusto ko syang hanapin kaso tiyak mayayare ako pag umalis ako dito. Nandito pa naman si Loren. Sakin kasi inihabilin si Loren ng parents nya. Ang nakakapag taka bakit sakin pa? Di naman nya ko Yaya. Nasa London kasi parents nya e. Inaasikaso ang business nila don. Haist!

"Teka nga muna? Bakit kasi andito yung babaeng yun?" Imik ng katabi kong si Loren na may halong pagtataray.

"We invited her. Don't call her babae, she has a name, okay!" sagot ni Mackoy sa tonong may pagkairita.

"Oo nga, friend namin sya kaya kung sang party man kami pumunta isasama namin sya." Greg

Mukhang nabara si Loren kaya di na umimik. Umirap nalang dun sa dalawa.

Kung ipagtanggol nila si Sheen parang ang tagal na nilang kaibigan.

"Hey! Ano ba, mamaya magkainitan pa kayo e." pag aawat ni Jom.

"Oh ano? Nacontact nyo ba si Sheen?" pag iiba ni Jigger ng usapan.

"Hindi nga e. Unattended ang number nya." sagot ni Mackoy na parang balisa.

"Imposible naman kasi na umalis yun ng walang paalam e." Greg

"Kaya nga e."-Jom

"Son" at biglang may humawak sa balikat ko ata agad kong nilingon si Daddy.

"Yes, Dad?"-Ako

"May kakausapin kasi kami ng Mommy mo. They're from abroad. Ibebenta daw nila ang company nila satin."-Dad

"And?"-Ako

"Gusto ko sanang ihabilin muna dito ang brother mo."-Dad

Ihabilin? Ano sya bata.

"But Dad?"

"Please Son! Alam mo naman na walang kakilala dito ang kapatid mo."-Dad

E di rin naman nya ko kilala at mga friends ko. Haist!

"Sure Tito, kami na ang bahala sa kanya." sabat ni Jom

"Thank you, Ijo!"

Seriously Jom? Pumayag ka talaga.

Oh Come on!

"Welcome Tito. No Problem."-Jom

"Hey son, Philip. Come here." sabi ni Dad kay Philip na katatapos lang makipag usap sa isang bisita nila Dad na business partner din nila.

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon