Chapter 23

1.7K 41 2
                                    

Sheen's POV

Nandito na kami sa Bookstore sa loob ng mall..

"Bakit ba about sa politics ang binibili mo? E diba business ad ang course natin?" curious kong tanong sa kanya..

"Wala gusto ko lang.." sabi nya habang nagtitingin tingin parin ng mga books..

Sya nga pala walang ibang course sa school na pinapasukan namin. Lahat kami ay business ad ang course. Katulad ng sinabi ko dati lahat ng nag aaral doon ay anak mayaman at sila ang mga tagapag mana ng mga businesses and companies ng mga parents nila kaya dun sila naka-enrolled.

Kaya rin ako nag aral dito e para pag nabawi ko na ang lahat ng pinaghirapan nila Mommy ay alam ko na kung pano ito hahawakan ng maayos.

"Sheen, ikaw wala kabang gustong bilhin na book?" tanong ni Paul at napatingin ako sa kanya..

"Wala naman." maikling sagot ko..

"Sure ka?"

"Yes!"

"Sige, bayaran ko na muna to ah.." sabi nya habang pinapakita ang mga librong hawak nya..

"Hintayin nalang kita sa labas nitong bookstore." sabi ko...

"Okay!" at ngumiti sya... Ngumiti nalang din ako at ska pumunta na sya sa cashier...

Lumabas na ko at naglakad-lakad ako ng konti ng may dalawang taong nahagip ang mga mata ko.. Nasa loob sila ng isang restaurant. Mukhang masaya sila... Nagtatawanan, na parang sila lang ang tao sa mundo.. Hinawakan pa ng babae ang kamay ng lalake. Ngumiti lang ang lalake sa kanya... Parang gustong mahulog ng puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong isipin na hindi to totoo pero yung sakit na nararamdaman ko ang nagsasabi sakin na ang lahat ng nakikita ng mga mata ko ay hindi kathang isip at ito'y totoong nangyayare ngayon..

"Sheen?" bigla akong nagulat kaya nilingon ko ang tumawag sakin mula sa likuran..

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa labas mo ko ng bookstore hihintayin? Akala ko may nangyare na sayo at pag labas ko wala ka? Okay ka lang ba?"

"O-oo, okay lang ako!" mahinang kong sagot at ska ako napayuko...

Ang sakit talaga...

"Sheen, i think you're not okay? May problema kaba?" ramdam ko sa boses nya yung pag aalala..

"Can we go home?"

"Ayaw mo muna bang kumaen?"

"No!" maikling sagot ko..

"May sakit kaba?" at ska nya idinikit ang likod ng kamay nya sa noo ko..

"Wala, i just need to go home now!" mahina parin ang sagot ko.. Parang nauubusan ako ng lakas sa dahilang hindi ko naman alam..

"Okay, let's go!" sabi nya at bigla syang umakbay sakin at inalalayan ako maglakad..

**********

Nandito na ko sa apartment ko, gusto pa sana ni Paul na samahan ako kaso sabi ko gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip-isip. Hindi ko parin maintindihan ang sarili ko ngayon.

Gusto kong umiyak ng umiyak..

***************************

Jom's POV

7:00am

Katatapos kong maligo ng biglang magring ang phone ko. Tumawag si Luke para papuntahin ako sa bahay nila pero laking gulat ko ng madatnan si Loren sa sala nakaupo..

"Hi Jom!" ang nakangiting bati ni Loren.

Tumango lang ako at ngumiti rin ska ako dumiretso sa taas...

Anong kayang ginagawa ni Loren dito? I mean, oo nga lage syang pumupunta dito dati dahil friends ng mommy at daddy ni Luke ang mga parents nya pero wag nyang sabihin na para kay Luke kaya nandito sya ulit. Akala ko ba iniiwasan sya ni Luke. Kausapin ko nga yung lalaking yon..

Nang makapasok ako sa kwarto ni Luke nakita kong bihis na bihis sya..

"Oh nandito kana pala, pakibigay nga kay Sheen to." sabay abot ng isang brown na envelop sakin..

"What's this?" nagtatakang tanong ko sa kanya..

"Just give that to her."

"E ikaw? Bakit hindi nalang ikaw ang magbigay.." at napakunot noo ako..

"Can't you see, may lakad ako.."

"Don't tell me with--" hindi na nya pinatapos ang sasabihin ko ng biglang syang sumagot agad...

"Yes, with Loren.. Any questions?" pa-cool pa sya sa lagay na yan ha...

"Akala ko ba? iiwasan mo na sya dahil si Sheen na ang gusto mo ngayon?" ang naiinis kong tanong..

"Wag mo na nga lang akong pakielaman, ako nang bahala dito.." pagalit na sagot nya..

"Wag mong sabihin sakin na pagsasabayin mo yung dalawa?" at this time tonong galit narin akong sumagot..

"Bakit may problema kaba don?" sarcastic nyang tanong..

Aba tarantado to ah!

"Pinagbibigyan kita sa lahat ng gusto mo pero kapag niloko mo si Sheen sigurado ako na kahit sila Jigger hindi papanig sayo." at binigyan ko sya ng matalim na tingin... At ska ako tumalikod at tumungo sa pintuan ng kwarto nya pero bago pa ko makalabas muli syang nagsalita..

"Kung makapagsalita ka jan, wag kang masyadong magmalinis! Gawain nyo nga to e, hindi ba kayo masaya? Nagiging katulad nyo na ko?"

Talagang ginagalit mo ko ah..

Bumalik ako at ska ko saya binigyan ng isang malakas na suntok at bigla syang natumba..

"Hindi tipo ni Sheen ang babaeng niloloko... Kung isusumbat mo yung mga babaeng nakaka one night stand namin, yun yung mga babaeng mga flirts at kusang lumalapit para patulan sila."

"For the last time, I'm warning you.. Don't you dare to play with her feelings or else I will bury you alive." at ska ako umalis ng bahay nila..

I'm on my way to Sheen's apartment.. Pucha na Luke yan, ano bang problema nya at nagkaganon nalang sya bigla.

Sa sobrang galit ko halos paliparin ko ang sasakyan ko kaya nakarating ako agad dito sa apartment ni Sheen...

**tok-tok**

hindi pa lumalabas si Sheen kaya naisipan kong kumatok ulit

**tok-tok**

At yan lumabas na nga sya...

"Good mor-" naputol ang sasabihin nya ng bigla nya kong makita... Pati ang mga ngiti kanina ay bigla naring nawala. May ineexpect pa ba syang iba na pupunta dito? At napansin kong bihis na bihis sya..

"Oh Jom? Anong ginagawa mo dito?"

"Ipinabibigay ni Luke.." at ska ko iniabot sa sa kanya ang maliit na brown envelop

"Ano to?" pagtatakang tanong nya ng abutin ito..

"Hindi ko alam, sige alis na ko!" at tumalikod na ko, hindi ko na sya hinintay pa na muling magtanong.. Alam ko na gusto nyang itanong sakin si Luke pero anong sasabihin ko? Alangan namang, 'andun may lakad kasama ni Loren.' Hindi naman pwedeng ganon.. Hahayaan ko si Luke na sya ang umayos ng sarili nyang gusot... Gusto nya to? then, bahala syang gumawa ng lusot..

Sumakay na agad ako ng sasakyan at ska umalis. Tatawagan ko sila Mackoy para ipaalam ang tungkol sa kagaguhan ni Luke.

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon