Chapter 46

2.1K 48 0
                                    

Sheen's POV

Matapos sa Mitra's Ranch ay pumunta kami ng Baker's Hill. Napakasarap ng chocolate crinkles at brownies nila doon. Si Mackoy ay sarap na sarap naman sa Hopiang Monggo. Habang si Jom ay bumili ng ilang kahon ng Hopiang Ube. Si Jigger at Greg ay lumalantak ng kwek-kwek at turon. Si Luke parang hindi nagugutom at tumikim lang ng isang pirasong cashew tart habang si Loren ay kumakain ng turon. Lahat ng binebenta nila dito ay masarap. Isama mo pa ang mango shake nila.

Matapos namin mag merienda ay nagtungo kami sa Butterfly Ecological Garden and Tribal Village. Puro picture-picture lang din ang ginawa nila doon. Hindi na ako masyadong nagkikikilos dahil nakakaramdam na din ako ng pagod. Siguro ay sign na rin ito. Hindi naman kasi ako ganoon mabilis mapagod noon.

"Sheen, halika dito, pa-picture tayo sa sawa." Aya ni Mackoy na buhat-buhay ang malaking sawa. Hindi kaya sya natatakot? Yung crocodile nga kanina medyo alangan pa kong hawakan e.

"Ayoko." Sabi ko at ska ngumiti na lamang. Nakatayo ako sa tabi di kalayuan ang pagitaan kung nasaan ang mga kaibigan nya.

Hindi na nya ako pinilit at mag isang nagpapicture kasama ang sawa.

"Ako naman." Maarteng sabi ni Loren at lahat kami ay napatingin sa kanya. Lumapit sya kay Mackoy at walang ganang ipinasa naman ni Mackoy sa kanya ang sawa.

"Ang bigat pala." Maarteng sabi pa nya.

Lumakad palapit sa akin si Mackoy at tumabi. Bored na bored itong nakatingin din  kay Loren ngayon.

"Baka kainin ako nito." Maarte ba talaga sya magsalita?

Sana nga lununin ka ng buo.

"Wag kang pabebe. Wag wag kang pabebe." Biglang kanta ni Jigger dahilan para bumaling kami sa kanyang lahat. Parang narinig ko na minsan sa daan ang kanta na yan pero hindi ko alam na alam din nya pala yun.

"Bagong ring tone ko yun." Nakangising sabi nalang nya nang makitang lahat kami ay sa kanya nakatingin.

Lahat naman kami ay napakunot ang noo sa sinabi nya.

"Picturan nyo na ako bilis. Baka kainin ako e." Muling kaming napatingin sa harapan kay Loren.

"Hindi yan nangangain ng kalahi." Narinig kong bulong ni Jom. At dahil narinig ko yun ay sa tingin ko maging ang iba naming kasama ay narinig din yon.

Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Greg habang si Jigger ay nagpipigil ng tawa maging si Mackoy. Wala namang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ni Luke. Diretsong nakatingin lang sya kay Loren pero alam kong narinig din nya yon. Ang hindi lang nakarinig noon ay si Loren dahil medyo malayo sya sa amin.

Matapos pa ang ilang paglibot dito ay naisipan na naming kumain ng para sa tanghalian dahil 11:00 am narin. Doon kami kumain sa isa mga pinakang sikat na kainan dito sa Puerto Princesa, ang Kalui. Sinalubong kami ng isang waiter at pinahubad ang mga suot naming sapatos. Pagkahubad namin ay inilagay namin iyon sa mga lockers at pumasok na. Nakapakintab at linis ng wooden floor, tila halatang alaga iyon sa linis at punas. Punong-puno ng iba't-ibang artwork ang loob ng native wooden restaurant na ito. Napakaganda at super realaxing ang ambiance ng restaurant na ito.

Napakaming tao at halata sa kanila na masaya sila at satisfied sa service dito. Mas pinili namin sa mababang mesa at naupo kami sa banig. Umorder sila Jom ng napakaraming pagkain. Naenjoy naman namin ang pagkain at sobrang dami kong nakain na sizzling seafood sisig.

Matapos kumain ay saglit na bumalik kami sa hotel upang magpahinga. 3:30  na ng hapon nang muling maisipan lumabas. Lahat kasi kami ay nakatulog. Una kaming pumunta sa Plaza Cuartel. Habang naglalakad kami ay napakapit ako kay Mackoy.

Takhang tumingin sya sakin habang kunot ang noo. Nagpakita naman ako ng pilit na ngiti. Umiling nalang sya at hinayaan ako at muling tumingin sa harapan. Medyo kinikilabutan kasi ako lalo na pag maiisip ko kung gaano kasaklap ang nangyari noon dito. Napansin kong may nakatingin sakin at nang tingnan ko iyon ay si Luke na masamang nakatingin sa akin at lumipat ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Mackoy at muling ibinalik ang masamang tingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at hindi sya pinansin. Tumingin nalang ako sa diretso sa harapan.

Saglit lang din kami lumibot doon at lumakad naman kami papunta sa Immaculate Conception Cathedral. May mga iilang taong na nandoon at nagdarasal at may ilang mga papasok pa lamang, base sa mga itsura nila ya katulad din namin silang nagbabakasyon at pinupuntahan ang mga magagandang tourist destination dito.

"Papasok kayo?" Tanong ni Greg.

"Oo. Ikaw lang naman ang hindi marunong magdasal e." Nang aasar na sagot ni Mackoy.

Kaya nagtawanan lahat.

"Ulul! At kelan kapa natutong magdasal?" Pang aasar na sagot naman ni Greg.

Irap nalang ang isinagot ni Mackoy sa kanya.

Naglakad na kami papasok ni Mackoy at naiwan sila. Pumasok kami sa isang habang upuan at lumuhod kami ni Mackoy para magdasal.

Ipinapanalangin ko na sana matapos na ang lahat ng kaguluhan at maging maayos na ang lahat. Sana magising na din si Daddy upang maging normal na ulit ang buhay namin. Sana mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko habang nakikita ko si Luke na may kasamang iba. At kung buntis nga ako, sana huwag nyo pong babayaan ang baby ko. Ipinagpapasalamat ko din po sa patuloy nyong pag alaga at pag iingat sa amin sa araw-araw. Nawa po ay tulungan nyo kami sa bawat darating na problema na kakaharapin namin. Bigyan mo po kami ng lakas upang malampasan namin iyon. Maraming salamat po. Amen.

Nag sign of the cross ako at tumayo na kami ni Mackoy at lumabas.

Pagkatapos doon ay pumunta na kami sa Bay walk. Muli ay puro picturan na naman ang nangyari. Nagrent kami ng ni Mackoy ng bike na may side-car habang sila Jigger ay nag rent ng tag iisang bike upang hindi kami masyadong mapagod sa paglibot. Si Luke at Loren ay hindi na sumama at naupo nalang sa isa mga mga bench doon.

7:00 na ng gabi nang magkayayaan na umuwi. Nag dinner kami sa resto sa hotel na tinutuluyan namin. Matapos iyon ay umakyat narin kaming lahat. Pagod ako pero hindi pa ako inaantok dahil siguro nakatulog naman kami kanina. Sila Jom, Greg at Jigger may balak pumunta sa bar ngayon. Dapat sana kaming lahat kaso sa kalagayan ko ay hindi ako pwedeng pumunta sa mga lugar na iyon. Mausok at puro amoy alak. Makakasama sa bata iyon. Kahit hindi pa sigurado ay may mabuti nang mag ingat.

Hindi nalang sumama si Mackoy dahil sa akin. Si Luke at Loren hindi ko alam kung sasama sila dahil hindi naman sila nagsasalita kanina habang nag uusap-usap ang lahat. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko lang nakatingin sa akin si Luke.

10:45 na hindi parin ako makatulog. Habang si Mackoy ay malakas na naghihilik sa tabi ko. Tumayo ako at nagsuot ng jacket na may hood at bumaba. Marami pa ang tanong gising. Ang iba ay kumakain sa tingin ko ay late na sila nag d-dinner. Ang iba ay masayang nag n-night swimming. Isinuot ko ang hood ng jacket ko at lumakad-lakad dito sa loob ng resort. Maliwanag ang mga ilaw kaya hindi nakakatakot lumibot kahit mag isa ka lang. Bawat sulok ay may cctv din at mga guards.

Nakarating ako sa gilid na part ng resort kung saan tanaw mo sa baba ang napakagandang dagat. Tila kumikislap ang tubig nito dahil sa pagtama ng ilaw ng buwan dito. Humawak ako sa balustrade na nagsisilbing harang.

Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin. Halos mapalundag ako sa gulat nang may yumakap mula sa likuran ko. Agad akong napamulat at nilingon kung sino iyon.

"Luke?"

***

Enjoy! :)

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon