Chapter 26

1.8K 45 3
                                    

Luke's POV

Knock-knock...

"Come in!"

"Hey, bakit di kapa bihis?" tanong agad ni Jom ng makapasok dito sa loob ng kwarto ko.

"Maya na!" maikling sagot ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Alam mo minsan pumapasok sa isip ko na baka bakla ka." sabi ni Jom habang papalapit sa kinatatayuan ko.

"WHAT?" pasigaw kong tanong at napalingon ako sa kanya. Tinitigan ko sya ng masama.

"Just kidding, pano ba naman kasi, sa dami ng pwedeng maging collection bakit mga seashells pa?" tanong nya habang titig na titig sa cabinet na lalagyan ko ng mga seashells.

"Ano bang pakielam mo?" at ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa cabinet na naglalaman ng mga seashell collections ko.

"Wala lang, magbihis kana. Nakita mo na ba yung half brother mo?"

"Not yet. Actually, wala akong balak na makita sya."

"Bakit parang mainit ang dugo mo sa half brother mo?"

"Sya kasi ang dahilan kung bakit di na ako nakabalik sa vacation house namin sa batangas e." sabi ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa mga seashells ko.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong nya.

"Doon kasi sya ipinadala ni Daddy ng malaman ni Mommy ang about sa kanya. Pinagawan pa sya ng sarili nyang school don. Dahil nga andon sya, di na ko pumunta don at ayoko syang makita. Pero may isang taong gusto ko sanang balikan don."

"Sino?"

"Seashell girl."

"What? Seashell girl?"

"Yes! tinawagan na kasi ako ni Mommy non para umuwe at sobrang nag aalala na daw sila ni Daddy kaya di ko na natanong ang realname nya."

"Nga pala, kumusta kayo ni Loren? Sorry nga pala last time ha, nong nasuntok kita. Nabigla lang din ako. Alam mo naman kasi na kaibigan ko narin si Sheen kaya kung sakali ayoko narin syang masaktan." sabi ni Jom at inilahad ang kamay nya.

Inabot ko naman ang kamay nya at nakipag shake hands.

Haist! Si Sheen nga pala, naiipit na ko sa sitwasyon.

Knock.... Knock...

Sabay pa kaming napalingon ni Jom sa pinto.

"Pasok!" sabi ko

"Sir Luke, bumaba na daw po kayo sabi ng Mommy mo." sabi ng maid namin.

"Okay!"

"Sige po Sir." at ska sya muling lumabas ng kwarto.

*************************************************

Habang pababa kami ni Jom ng hagdan, nakita namin si Daddy na kausap yung isang maid.

"Dad!" tawag ko sa kanya at agad naman syang lumingon at mukhang may problema.

"Is there a problem,dad?"

"Hindi daw makita ng mga maids ang brother mo."

"Baka kung nasan lang yon." sabi ko

"Hanapin nyong mabuti at hinahanap na sya ng mga bisita at mga press. Lahat sila ay nag aabang na makilala sya." sabi ni Dad sa mga maids namin.

"You look young and handsome in your suit Tito." sabi ni Jom kay Dad.

"Thank you, Jom! How's your parents?"

"They're fine, Tito."

"Good to know! Let's go. They are all waiting for us." sabi ni Daddy at pumunta na kami sa hall ng bahay.

Lumapit kami kay Mommy. Nakita kong papalapit na samin sila Mackoy.

"Where's Sheen?" tanong ni Jom sa kanila.

Nandito si Sheen?

"Hindi ko alam, kanina ko pa nga hinahanap e." sabi ni Mackoy habang napapakamot sa ulo.

"Pano nangyare yun e diba magkakasama lang kayo?" Nagtatakang tanong ni Jom

"Pumunta kasi sina Jigger at Greg kila Mico. Tumawag naman si Mommy kaya iniwan ko muna si Sheen, pag balik ko wala na." paliwanag ni Mackoy.

"Hayaan nyo na, baka nagpahangin lang." sabi naman ni Greg.

"Hey!" sabay-sabay kami napalingon sa nagsalita. Si Sheen.

Wow! She looks perfect in her dress. Kakaiba talaga ang ganda ni Sheen. Pero may napansin ako sa kanya. Namumugto ang mga mata nya. Is there anything wrong? May nangyare ba sa kanya? Why she looks so sad?

"May problema ba?" tanong ni Mackoy kay Sheen, habang hinahawakan ang mukha ni Sheen.

Parang bigla akong nakaramdam ng inis. Ayokong nakikitang may humahawak kay Sheen na ibang lalake. Sh*t!

"Wala!" maikling sagot nya.

"Bakit parang namumugto yang mga mata mo?" tanong naman ni Jigger.

"Napuwing kasi ako kanina e." sagot nya.

"Ah ganon ba? Masakit pa ba?" tanong naman ni Jom.

"Hindi na."

Parang hindi naman sya napuwing. Parang umiyak talaga sya.

"Excuse me, everybody! Let me have your attention,please. Tonight, I will introduce my older son." sabi ni Daddy.

Yeah, whatever.

My half brother is older than me. He is 5 months older than me,and I don't really care. I don't even like him. Kahit di ko pa sya nakikita parang kumukulo na agad ang dugo ko sa kanya. 2 days na syang nandito sa mansion pero hindi parin kami nagkikita at ayaw ko din naman syang makita kaya hindi na rin ako sumasabay kila Mommy tuwing breakfast, lunch and dinner.

"Let us welcome, my son, Philip Montesa."

Tss...

Lahat ng tao nagpapalakpakan at masaya. Well, sila lang ang masaya.

Bigla akong napatingin kay Sheen na kanina pa tahimik. Talagang may mali alam ko. Haist! Ni hindi man lang nya magawang tumingin sakin.

"Luke!" napatingin ako sa tumawag sakin. Si Loren.

"Sorry, I'm late!" sabi ni Loren ng makalapit sakin.

"It's okay!" maikling sagot ko at muli kong ibinalik ang tingin ko kay Sheen.

Mukhang syang nagpipigil ng luha. Ano bang problema nya? Nag aalala ako sa kanya.

"Ngayong gabi, may inihanda para sa atin si Philip." muling sabi ni Daddy.

Bumaba si Philip sa stage at lumapit sa isang bagay na nakabalot sa tela. Tinanggal nya ang nakabalot na tela at isang piano ang tumambad samin. Magpa-piano sya?

"Wala talaga akong hilig sa mga instruments, pero dahil sa isang taong napakahalaga sakin, pinilit kong matutunan kung paano tumugtog ng piano. Para sayo to." sabi ni Philip at sabay sulyap sa kinatatayuan namin. Agad din naglingunan ang ibang mga tao sakin. Para sakin ba? Feeling close sya ha. At ska sya umupo sa harap ng piano at tumugtog.

NP: Moonlight By Yiruma

*********************************************************

Bawi nalang sa Next UD. Pasensya na. Sana hindi kayo naguguluhan. :D

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon