Chapter 9

2.5K 69 0
                                    

Sheen's POV

Natapos na't lahat ang mga subjects pero wala parin sa katinuan ang mokong.

Oh ayan lunch break na. Mauuna na ko sa canteen, mukhang wala naman balak tumayo si Luke sa kinauupuan nya e. Wala din naman si Gab kaya malamang ako nalang munang mag isa ang kakaen.

Nandito na ko sa isang table malapit sa counter. Inilabas ko na ang aking baunan na may laman na pancit. Nang akmang susubo na ako, biglang may nagsalita sa harapan ko.

"Miss, pwede bang makishare ng table?" ang sabi ng lalake na nakangiti at nag hihintay ng sagot ko.

"Ah, sure! Sige." ang sagot ko at ska ako sumubo na ng pagkaen.

"Gusto mo?" ang pag aalok nya ng pagkaen na dala nya.

Napalunod ako dahil ang sarap ng pagkaen nya.

Hindi na nya ako hinintay sumagot at ska nya sinalinan ang baunan ko ng pagkaen nya.

"Salamat ha." ang nakangiti kong sabi sa kanya at ska ko kinaen ang binigay nya sa akin. Grabe ang sarap!

"Miss, hinay-hinay lang baka mabilaukan ka. Eto juice oh."

"Ang baet mo naman, thank you ha. Ang sarap kasi kaya di ko na napigilan." Sabi ko sa lalaki habang punong-puno ng pagkaen ang bibig ko.

"Oo nga pala, I'm Paul, bago lang ako dito." At inilahad nya ang kamay nya.

"I'm Sheena, but you can call me Sheen." at nag shake hands kami.

"Ahm, okay! Anong year mo na?" ang tanong ni Paul sakin habang pinapanuod ako sa paglamon.

"First year palang ako. Dun lang ang room ko sa kabilang building 3rd floor Class A. Ikaw anong year mo na?"

"Ahmm. 1st year din ako Class B, full na daw kasi ang Class A kaya napunta ako sa B. Sayang mag classmate sana tayo."

"Oo nga e, may dalawang dumagdag samin kanina." ang sabi ko habang patuloy parin ako sa pagkaen.

"Sheen, sabihin mo lang kung gusto mo pa at bibigyan kita, wag kang mahiya." Aniya habang inaabot ang pagkaen nya sakin.

"Hindi na Paul, sobra na nga to e." Nako kung hindi lang talaga ako nahihiya e.

Inubos ko na agad ang pagkaen ko dahil naalala ko may subject nga pala ako ng 1pm.

"Sige Paul, I have to go. May klase pa ko e. Nice meeting you and thanks sa food."

"Welcome pretty Sheen."

Windang naman ako sa sinabi nya na pretty ako pero hindi ako nagpahalata. At nag wave na ako sa kanya. Nagmadali na akong lumabas ng canteen at ska dumiretso sa kabilang building. Nang makarating ako sa room ay nakita ko na wala si Luke sa upuan nya. Baka kumakaen pa yon ng lunch. Naupo na ako sa upuan ko at naisipan ko munang mag nap habang wala pang prof. Wala parin naman kasi yung mga classmates ko, 5 palang kami dito at lahat pa sila nakatingin sakin. Ano kayang mga problema nila. Well, I don't care kung ano man ang iniisip nila about sakin. Basta inaantok ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Makakatulog na sana ako ng nagtilian na naman ang mga babae. Hayst! Nakakainis naman! Lage nalang ba silang titili sa tuwing makikita nila ang bwisit na yun.

"Ang gwapo nya, balita ko galing yan ng Canada. Dito sya ipinanganak at nung baby palang sya dun na sila tumira at ngayon nalang sya ulit bumalik dito." Ang sabi ng isang babaeng nakikipagtsismisan. Kahit nakapikit ako at hindi ko nakikita mga pinag gagagawa ng mga taong nasa paligid ko, naririnig ko naman sila.

Sino naman kaya yung tinutukoy nila. Akala ko pa naman si Luke ang tinitilian nila.Lalong lumakas yung tilian. Nakakainis! Pag mulat ko ng mga mata ko, si Paul papalapit sakin. Oo nga pala gwapo si Paul pero hindi na talaga ako naa-attract sa mga lalake e. Kung friends okay lang pero pag may love na, no way!

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon