Chapter 5

3.4K 71 1
                                    

Sheen's POV

Susubo na sana ako ng pagakain para sa hapunan ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

Ano na naman ba? Bakit ba bumalik pa yang kumag na 'yan dito?

Bwisit na lalake 'yan.

Ano na naman kayang kailangan n'ya sakin?

"Ano ba? Sandali nga!" Bulyaw ko.

Halos manlaki ang mata ko pagbukas ng pinto.

Sino naman kaya ang isang 'to?

"Pwedeng pumasok?" Nakatingin s'ya sakin at nakangiti.

"Si-sige. Tuloy ka." Minamadan ko s'yang marahang pumasok sa apartment ko. Teka. Bakit naman pinapasok ko ang isang to agad-agad?

Parang pamilyar ang mukha n'ya. Teka nakita ko na nga s'ya nung unang araw ng pasukan. Kasama s'ya ni Luke at s'ya rin yung nagsabi kay Luke na may pupuntahan pa sila kaya tinigilan na ni Luke ang paninita sa'kin.

"Hi! I'm Jomarie Escovar Gutierez." Friend ko si Luke at ipinabibigay n'ya ang mga 'to.

Inaabot n'ya sa'kin ang tatlong box. Ano kaya ang laman ng mga 'to?

"Ano to?" Takhang tanong ko.

"Mga damit at gamit 'yan para sa date n'yo bukas." Aniya habang nakangisi. Gusto kong sumimangot dahil doon.

"Date namin? Sinong kadate ko?" Nagtatakha kong tanong sa kanya.

"Sino pa ba eh di yung future husband mo." Aniya saka humagalpak. He's kidding, right? Gusto ko s'yang palayasin ngayon din.

"Sinabi na samin ni Luke lahat. Alam din namin fake lang ang engagement n'yo." Aniya saka kumindat. Waaaa epek 'yan.

Namin? Ibigsabihin marami pala ang may alam?

"Teka wala naman siyang sinabi na may date kami ah. Ska anong date ha? Hindi ako nakikipag date." Angal ko. Ano 'yon? Bibiglain n'ya ko palagi?

Nakangiti parin s'ya sakin. Hindi ba to napapagod sa pag ngiti?

"Part 'yan ng magiging trabaho mo. Basta sundin mo nalang ang gusto n'ya at magkakasundo kayo. Good luck sa plano n'yo. Don't worry kapag kailangan n'yo ng tulong, nandito lang kami." Pagkatapos n'yang magsalita tumalikod na s'ya sakin at lumabas ng pinto.

Binuksan ko ang mga box at namangha ako sa sobrang ganda at eleganteng long dress. Itsura pa lang alam mong mamahalin na.

Tiningnan ko ang heels,  parang ang hirap naman isuot ng sapatos na 'to ang taas masyado ng takong. Para akong matapilok nito.

Masyadong magara ito para sa date lang. Ano ba ang meron bukas!l? Bakit kelangan sobrang ganda pa? Pwede namang simple lang.

Kung sabagay dahil mayaman ang makakadate ko kelangan siguro mag mukha akong elegante tingnan para hindi nakakahiya.

Bigla akong napaupo sa kama ko at napaisip. Pano kaya namin sisimulan ni Luke ang pagpapanggap at hanggang kelan naman ang pagpapanggap namin?

Napabuntong hininga ako at iniiisip ko kung anong mangyayare kung sakaling mapaniwala namin ang mga tao sa paligid namin at biglang mabuking kami sa huli. Tss.

Lagot na. Baka katapusan ko na. Baka yun pa ang dahilan para matanggal ako sa school.

Patay ka sakin Luke pag nangyari yun. Sabit lang naman ako sa problema mo e.
Haist! Kung di ko lang kelangan nang pagkakakitaan.

Kumaen muna ako ng hapunan at inayos na ang mga gamit na ibinigay n'ya.

Pero teka! Anong oras kaya ang date namin? Hindi naman sinabi ni Luke na may date kami at hindi rin naman sinabi ng kaibigan n'ya kung saan ang lugar at oras.

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon