Chapter 20

2.4K 56 2
                                    

Sheen's POV

*************Ring***********

Nagising ako dahil sa isang malakas na ingay ng orasan. 6:30 am na pala, babangon na nga ako kasi baka malate ako. Nandito na ko sa apartment ko ngayon, dumating kami kahapon ng 5pm galing sa Martini Island. Ang saya-saya ko, ang dami naming pinuntahan nila Luke, nag swimming kami, snorkeling, scuba diving, boating at nag zip line din kami. Lahat na ata sinubukan namin. Tuwang-tuwa nga sila sakin kasi hindi ako KJ at hindi ako takot subukan lahat. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa buhay ko. Masayang-masaya nga din daw si Luke at talagang mahilig din sya sa mga water sports at mahilig sya talaga pumunta sa beach kaso nga lang nung mga nakaraan hindi nya maasikaso magsaya kasi nga nung mga time na yun busy sya sa pag aaral at nakahiligan nya pumunta sa bar dahil naging malungkot sya nung umalis si Loren.

Nag asikaso na ko para sa aking pagpasok. Sabi nga ni Luke susunduin nya ko kaso sabi ko wag na pero nag pupumilit sya, kesa naman mag away kami e di hayaan na. Ska sabi nya sabay daw kami mag breakfast.

Maya-maya narinig ko na ang busina ng sasakyan nya. Inilocked ko na ang mga bintana at lumabas na ako ng apartment. Nakita ko na si Luke na bumaba ng kotse nya. Inilocked ko na ang pintuan ng apartment ko ska ako lumapit sa kanya.

"Good Morning!" bungad nya sakin na nakangiti sya.

"Good morning!" sagot ko din at ngumiti.

Hinalikan nya ako sa noo at pinag buksan nya ako ng pintuan ng kotse.

"Thanks" sabi ko at tumango lang sya.

Sumakay na din sya at pinaandar ang sasakyan. Dito kami kumaen sa restaurant na dati namin kinainan. Dating gawi, ang order namin, pancakes, tea w/ honey, coffee w/ milk and ham omelette.

Matapos namin kumaen ay dumiretso na kami sa loob ng classroom. Nakanga-nga na naman silang lahat ng pagpasok namin. Haist! Kailangan ko na ata talagang masanay na ganito. Nakita ko si Sam na masama ang tingin sakin. Si Loren naman nakatingin din na parang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Grabe! Ang hirap ng ganito.

Naupo na kami ni Luke sa mga upuan namin pero hindi parin nya binibitawan ang kamay ko.

Naiilang na tuloy ako sa mga matang nandito sa room at nagbubulungan sila. Wala pa ang prof at napansin ko na wala pa din si Gab. Kumusta na kaya yung babaeng yun? Bakit kaya hindi pa sya pumapasok.

Naalala ko bigla, san nga pala pumapasok sila Jom. Ang alam ko first year lang din sila e.

Luumingon ako kay Luke na nasa tabi ko

"Luke?"

"Oh?" at tumingin sya sakin

"Anong section nila Jom?"

"Special!"

"Anong special?" pagtatakang tanong ko.

"Silang apat lang sa special class." Sabi nya

"Special Class?" napakunot noo ako. "Bakit may mga tama ba sila? May defect sila?"

"Wala,baliw! Dun din dapat ako, kaso nga lang madalas kasi sila sa bar at minsan ayaw nila pumasok kaya bihira lang din sila mag klase. E ayoko naman ng ganon."-Luke

"Asus! Diba mahilig ka din pumunta sa Bar." Pang aasar ko

"Dati yun!" maikling sagot nya

"Ano pang meron tungkol sa special class?" tanong ko pa

"Sila ang masusunod kung magtutura ang prof sa kanila o hindi. Special class, para lang samin yon. Bawal kung sino-sino." Paliwanag nya.

"Okay lang sa inyo na sila ang masunod kung kelan nila gustong magklase?" pagtatanong ko ulit.

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon