Chapter 12

2.4K 70 1
                                    

Sheen's POV

Masaya ako ngayon sobra, dahil nandito si Yaya Mona sa apartment ko. Nag aalala na daw sya sa kalagayan ko kaya nya naisipan akong bisitahin dito. Maingat daw syang pumunta dito at sinigurado nyang walang nakasunod sa kanya.

"Yaya, okay lang ako dito. Kumusta na satin?"  tanong ko sa kanya.

"Anak, hinahanap kapa rin nila. Hindi sila titigil sa paghahanap sayo."  nag aalalang sabi ni Yaya.

"Yaya, konting tiiis nalang at mababawi ko na lahat." Sabay yumakap ulit ako kay Yaya.

Dahan-dahan nya akong iniangat mula sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Elaine, anak! Mag-iingat ka lage ha." Ang muling paalala ni Yaya. Naaawa na ko kay Yaya. Haist!

"Yaya, ikakasal na po ako." Mahinang sabi ko sabay napayuko.

"ANO!!!!!!!!!!! At kanino naman? Buntis kaba?" Magkakasunod na tanong nya sakin.

"Yaya hindi po. May gusto kasi akong tulungang tao." Paliwanag ko.

"Hindi biro ang pagpapakasal Elaine." Ang sabi sakin ni yaya. Parang galit sya.

"Yaya, pekeng kasal lang po." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Muling tanong nya.

"Trabaho to Yaya, sana mag tiwala ka sakin. Alam ko ang ginagawa ko." Sabay ngumiti ulit ako sa kanya para maglaho ang pag aalala sa mukha nya.

"Anak! Alam mo ang tama at mali at sa tingin ko alam mo na nga ang mga ginagawa mo kaya susuportahan kita. Hindi na ko magtatanong pa."  Aniya at ngayon nakangiti narin sya.

"Tulog na tayo." Alam ko rin kasi na pagod sya kaya nagyaya na ko kong matulog.

Humiga na kami ni Yaya sa kama ko at dahil namiss ko sya nakayakap lang ako sa kanya.

KINABUKASAN..

"""""""""kring"""""""""" ang malakas na tunog ng orasan sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kama ko. Agad kong pinatay ang alarm nito.

6:30 am, sakto makakapag ayos pa ako nito ng bahay dahil walang pasok hanggang nextweek.

Nakita ko na nagising narin si Yaya. Bumangon na sya agad at sabi nya aalis na daw sya. Tinanong ko kung bakit nagmamadali sya. Sabi nya kailangan makabalik na agad sya samin at baka hanapin na sya.

Pinayagan ko narin si Yaya na umalis pero inalok ko sya na mag almusal muna pero sabi nya hindi na daw at pag dating nalang nya sya kakaen.

Dating gawi nag iisa na naman ako ngayon. Malungkot! Hay! Sana makatapos na ko ng pag aaral at sana makahanap din ako agad ng permanenteng trabaho.

******tok-tok*************

Sino na naman kaya to. Sumilip muna ako sa butas sa pintuan ko at nakita ko si Jom. Agad kong pinag buksan sya ng pinto.

"Sheen, sumama ka sakin madali ka...." Mukhang balisa sya. Bakit kaya, ano kayang nangyare. Si Luke agad ang unang pumasok sa isip ko.

Nag aalala na rin ako ngayon. Baka kung ano nang nangyare kay Luke.

"Bakit Jom, anong nagyare?"

"Si Luke...." At hindi nya maituloy ang sasabihin nya.

Hindi ko na hinintay ang dahilan nya at inilock ko na ang bahay ska ako sumama sa kanya papunta kay Luke.

Nasa sasakyan na kami at hindi kami nag uusap. Nag aalala talaga ako kay Luke.

Dumiretso kami sa isang lugar at nakita ko ang isang eroplano, mukhang private plane.

THS: #1My Destiny(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon