But I won't ever let them hurt the only family I have... Not Han or Lilly nor any of my new friends.

Even if I don't longer have the crown I am still a royal and a pureblood vampire. I wouldn't be crowned as a rightful queen if I don't have this blood that runs through my vein so they are nothing compare to me.

Next day

Harry's POV

Haysss bakit ba kasi ngaun pa ako napuyat? Ngayon pang andami kong gagawin sa council.

Nag-aalmusal kami ngayon at panay naman ang hikab ko.

"Didn't get any sleep son?" tanong ni Dad.

"Ah napuyat lang po Dad kasi may ginawa ako para sa council kagabi" sagot ko naman kay Dad.

"Sipag talaga ni bunso, hindi tulad ng kuya" nakangiting sabi ni Tita Ann, stepmom ko.

Nako, si Tita talaga, maiinis na naman lalo sakin si Kuya. She's always like this, comparing me to her own son kaya ang laki din ng galit nun sa akin.

Kaya pag gantong usapan na ay nananahimik na lamang ako.

"I'm going out" malamig na sabi ni Kuya habang pababa.

"Gabrielle hindi ka manlang ba mag aalmusal? Saan ka nanaman ba pupunta? Gabing gabi ka nang umuwi kagabi tapos ngayon aalis ka ng pag ka- aga aga?  Hindi ka naman pumapasok sa school" Tita Ann said.

Hindi naman siya pinansin ni Kuya at derederetso lang lumabas ng bahay. Nanatili namang tahimik si Dad habang kumakain. That's a sign that he's still holding his temper.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyon" napailing na lang din si Tita.

"Just let him do what he wants"

Dad is so serious about it. Ayaw niya lang sigurong lumaki pa lalo ang away.

Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila.

"Dad, Tita... Papasok na po ako. Thank you po sa breakfast Tita" sabay halik sa pisngi nila.

"Ah Iho iginawa kita ng sandwich baka gutumin ka sa dami ng mga inaasikaso mo. Mag iingat sa pagpasok anak"

I'm so lucky to have a step mother like her. Hindi ko maexplain kung gaano ako kaswerte na isang tulad niya ang naging madrasta ko. Sa maluwag na pagtanggap niya pa lang sa akin bilang isang anak, hindi ko na talaga alam kung paano ko pa masusuklian ang kabutihan niya kahit pa anak lamang ako ni dad sa isang pagkakamali niya noon. And my real mother? I was just six when she gave me to Dad. Galit siya sakin eh. I'm still visiting her but she doesn't seem to like it at all. Pero ganun pa man eh hindi ko parin inilalayo ang loob ko sa kanya.

"Son sabay kana sa akin... Hon I have to go" sabay kiss kay Tita sa noo.

Ang sweet talaga nila haha.

Ganyan sila katatag, kaya swerte ang din ni Dad kay Tita, na kahit minsa'y nagkasala siya ay tinanggap parin siya ni Tita.

-At SCU-

"Bye dad, ingat po..."

"You too son..." bilin niya bago umalis.

Usually nagc-commute lang ako. Minsan di ay isinasabay din ako ni Dad. Wala pa kasi akong sariling sasakyan at hindi ko rin ginugustong magkaroon kahit pa anong pilit sa akin ni Dad.

*broom* (insert sound of a sports car)

Ooohhh nice wheels...

Kanino naman kaya ito???

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now