Chapter 10: Fun! Fun! Fun!

Start from the beginning
                                        

(Gail’s POV)

Nakakatuwa naman ang Mama ni Tom. Todo support eh. Nakakakilig naman yung naabutan namin kanina. Hahaha! Naabutan namin na nagkakatitigan ang magbestfriend. Ansabe? Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong kiligin sa kanila. Kaiingit naman sila.

May dala pa talagang camera si Tita? Girlscout! Laging handa eh. At si Sungit naman parang nanonood lang ng sine eh. Kaya pala nawala nandito nanonood. Ang daya hindi man lang nagsabi. If i know kinikilig din si Sungit.

Nagwalkout si Tom. Kitang kita naman sa mukha nya kinikilig sya eh. Mukha syang kamatis sa sobrang pula ng mukha nya.

Sumunod naman si Tita at hinila nya si Rica papunta kay Tom. Ina na talaga yung gumagaw ng paraan eh. Saan ka pa? Hahaha!!! 

At ako naiwan magisa dito sa tabing dagat habang si Sungit ayun nakaupo pa rin mukhang malalim ang iniisip. Ano naman kaya ang iniisip ng isang to? Kung sabagay ano bang care ko. I don’t care. Makaalis na nga baka ituloy ko pa ang balak kong gawin eh. Ang halay.. i mean patayin sya. Aalis na sana ako ng bigla akong hilahin ni Sungit.

And......

Loading....

Loading....

Napakurap ako ng makita ko ang position naming dalawa. Bale napahiga ako sa mahabang upuan na inuupuan nya at sya naman nasa ibabaw ko. Nanlalaki ang dalawa kong mata. O_O wahizdaminingofdiz???

Bigla akong kinabahan sa gagawin nya. Ano bang balak nyang gawin? kanina lang ang sungit sungit nya tapos ngayon? Ano to? Lokohan?

Seryosong seryoso syang tumingin sa akin. Ano bang tingin yan ha? Pamatay eh. Bigla akong nagulat ng inilapit nya ang mukha nya sa akin. Ano bang gagawin nya? kinakabahan na talaga ako. Feeling ko lahat ata ng dugo nasa mukha ko na.

Napapikit akong bigla kase naman palapit ng palapit ang mukha nya.

“A-ano bang balak mong gawin ha?” sabi ko.

“Eto oh.” At sa dahil nga nakapikit ako hindi ko alam kung anong balak talaga nyang gawin. Narinig ko na lang nabigla syang ngumiti yung bang nakakaloko.

At pagmulat ko wala na pala sya sa tabi ko. Nakita ko sya na nakatayo tapos pinipigilan lang nyang tumawa. May napansin akong kakaiba sa mukha ko. Hinipo ko ito at laking gulat ko ng makita ko ang isang baby crab sa ilong ko.

“Ahhhh...” sigaw ko. Bwisit na lalaki to. Pagtripan ba naman ako. Agad kong inalis yung baby crab sa ilong ko. kawawa namang ang ilong ko kung makagat noon.

“Bwahahahahaahahahahahahahahahahahaha!!!!!!!” ang saya nya ha? Kung sya tawa ng tawa pwes ako hindi natatawa sa ginawa nya.

“Kahit kelan talaga napakayabang mo. BWISIT KA BWISIT!!!” nakakainis talaga ang lalakeng yan eh. Tuwang tuwa talaga sya pagpinaglalaruan ako eh. Itinulak ko sya saka ako tumalikod. Namumula ako sa galit. Sige lang tumawa ka pa ng tumawa lintik lang ang walang ganti.

GreenRose#10                                                                                                                                                         31/03/12

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Where stories live. Discover now