“Oo nga po. Parang bata yang si Tom. Eh buti naman po sumama si Su-Sander?”
“Hay Naku! Buti nga at pumayag sya kahit na alam kong ayaw nya. hindi nya rin matiis ang pinsan nya eh. Atsaka wala daw magluluto sa kanya. Alam mo na yun?” natatawang sabi ni Tita. Alam ko na matakaw talaga yang si Sungit. Yan pa.
(Rica’s POV)
“Mamaya ka na umalis. Antayin muna nating lumubog ang araw.” Napatingin ako doon sa taong katabi ko at nakaakbay sa akin.
And i was right. Si Tom nga ang katabi ko. hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Sya naman seryosong seryosong pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Nakaakbay pa rin sya sa akin. Bakit ganun? Lagi naman nyang ginagawa sa akin to ah? Bakit ngayon iba ang feeling?
*doog doog*
*doog doog*
I always feel this when i’m with him. Hindi ko lang inaamin sa sarili ko kase natatakot ako. Ewan ko kung bakit. Basta ang alam ko ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa.
“Ang ganda di ba?” tumingin sya sa akin. As in yung tingin na minsan mulang makikita sa mukha nya. yung bang manghang mangha talaga sya. Tapos biglang babaling ng tingin sayo at ngingitian ka. Nginitian ko rin sya.
“Hmmm...” I just nod. Yun lang ang masasabi ko. Sino bang makakimik habang titig na titig sya sayo? Di ba?
“Nga pala pa-pano ka nakarating dito? Di-di ba may sakit ka?”
“Magaling na po ako. At niyaya ko si Mama na pumunta dito. Ang daya lang kase hindi ako kasama sa inyo.” Kahit kelan talaga para syang bata.
Nagulat na lang kami ng biglang may magflash mula sa likod namin. At laking gulat ko ng makita namin si Gail na di mapigilan ang ngiti yung bang nakakaloko lang at si Tita Lyn na may hawak na camera. Tapos si Sander na nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa may resort. Parang nanonood lang ng sine ah?
Pero nakakahiya. O////////O Pinicturan kami ni Tita Lyn habang magkatitigan kaming dalawa tapos nakakbay pa sya sa akin. Wahhhh!!!! Kill me now. Kill me now. T.T
Agad kong tinanggal ang kamay ni Tom at agad ding akong tumayo. Nakakahiya naman. Mama pa ni Tom yung nakakita nung scene na yun. Buti sana kung hindi ganun yung scene eh. Baka tuloy kung anong isipin ni Tita sa amin ni Tom.
“Ah... Ti-tita? Nandyan po pala kayo.” Nahihiyang sabi ko.
“Kaya naman pala biglang nawala ang anak ko. Dumadamoves na pala agad. ang bilis mo anak ha?” pangaasar ni Tita sa amin. Bakit ganun hindi man lang ba sya magagalit or whatsoever?
“Maaaa? Stop! Hindi na kayo nakakatuwa. Dyan na nga kayo.” Umalis nga agad si Tom. Pero kitang kita ko sa mukha nya na namumula ang mga ito. Kinikilig din pala ang mga lalake. Hahaha!
Chapter 10: Fun! Fun! Fun!
Comincia dall'inizio
