Starting my Forever with you 53

Start from the beginning
                                    

 

Kath: Auntie!!!

 

Thelma: Sige na! Mag ingat kayong dalawa. Hinatid niya kami sa may gate at umalis na kami.

 

SETTING:  ST. CLAIRE

 

Papasok pa lang kami sa St. Claire ay parang gusto ko ng umiyak. Ito ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ng amin in DJ. Rinig na rinig namin ang tugtugan sa loob. Nagpark na rin si Robie.

Parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Pinagmamasdan ko ang paligid. Ilang taon na rin ang nakakalipas nung huli kong tapak sa lugar na ito. Marami rami na rin ang nag-iba. Angcovered court...kung saan madalas kaming tumambay dahil sa palagiang practice nila noon. Ang mga buildings kung saan naroon ang mga classrooms. St. Claire...I miss you.

 

Niel: Ui.!!!!! Ba’t anjan pa kayo? Tara na sa loob.

 

Robie: Tara na?? Tanong ni Robie sa akin.

Tumango ako.

Marami ng tao ang nasa loob.  Same old faces. Lahat mukhang masaya. Yung hindi nagkikibuan, ngayon parang close close na. Yung mag mahiyain ngayon parang sila pa ang bumibida sa kwentuhan. Nasa unahan namin si Niel at Robie. Kami ni Yen ang magkasabay na maglakad. Papunta kami sa table for 4-B. Marami akong nakasaalubong na natatandaan ko ang mukha pero parang nakalimutan ko na ang pangalan. Pero dahil nginingitian nila ako ay I smiled back na rin.

 

Robie: Ang dami pa lang magaganda sa school niyo no? Sabi niya at lumingon pa siya sa amin ni Yen.

 

Kath: Kaya nga dinala kita para makapamili ka na.

 

Robie: Sige mamaya. Sumakay naman siya sa pangaasar ko. Inaamin ko, mas nagiging close kami ni Robie ngayon. Kung kay Brent nababanas ako..si Robie naman parang giliw na giliw ako.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Where stories live. Discover now