Pero...

Hindi ko makita kung masaya ba siya ngayong birthday niya.

Ni hindi ko maramdaman ang higpit ng hawak niya ngayon sa mga kamay ko.

Lahat hindi makangiti nang maayos dahil sa walang pagbabago niyang kondisyon.

"Hijo, hindi ba nakakabigat si Mei dito sa 'yo? Pwede mo siyang ilipat sa bahay kapag pagod kana." Sabi ni Tito.

"Hindi po, Tito. Hinding-hindi ako mapapagod sa kanya. Kahit gaano pa katagal. As long as her heart is beating, I will take care of her." Sagot ko.

Tinapik niya ako sa balikat at saka mapait na napangiti. "Thanks, son."

Carlo's POV

"So, Ash, how are you?" Sarkastikong tanong ko sa babaeng halos habulin ang kanyang paghinga. Halata ang pagmamadali niyang makapunta rito sa hide-out nila.

"Ash? Nasaan na ang mga tumatawag sa akin ng 'Babs'?"

"Malaking pagkakamali ang ituring kang mahalaga. Maling-mali, Ashley. Mapagpanggap ka. Obsessed. Baliw." Si Harry ang nagsalita.

"Hindi ako baliw!" Buong lakas na sigaw niya. "Ako naman ang totoong Babs niyo, diba? Inagaw lang ng babaeng 'yon ang lahat ng dapat ay sa akin! Mang-aagaw siya at dapat lang siyang mama–"

Fean cuts her word by slapping her...hard.

"Stop, Ash. Stop!" Sigaw ni Fean sa kanya. Kinuwelyuhan niya ito at halatang-halata ang pagpipigil niya na masaktan niya ang babaeng minsan na naming itinuring na kaibigan. "Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Mei! Hindi ko mapapatawad ang kabaliwang ginawa mo!"

Biglang tumawa ng pagkalakas-lakas si Ash. Halos mapaiyak na siya katatawa.

"Grabe! Hahahahahahahaha, sobrang protective niyo naman sa mahinang babaeng 'yon hahahahaha. Kung nakita lang sana ninyo kung paano ko siya pinahirapan hahahahahahaha."

"Walang hiya k–"

"Fean, stop!" Pigil ko sa kanya.

"What?! Ngayon pa?! Tangina, hindi ko kilala ang babaeng 'to. Hindi ko akalain na ganito ang tunay niyang kulay. Huwag mo 'ko pigilan sa gagawin ko sa kan–"

"We will all do it. One by one." Nakangising sabi ko.

"Mga bakla hahahahahaha. Papatol kayo sa babae, ha? Mga bakla! Mga bakla! Hahahahahaha."

Iniikot niya ang tingin niya sa paligid. Kitang-kita niya ang mga alagad niyang nakahandusay sa lapag...mga wala nang malay.

"Kayo may kagagawan niyan? Kayo lahat? Mga walanghiya!!"

Kung kanina ay tawa siya nang tawa, ngayon naman ay halos patayin niya kami sa sama ng tingin niya. Tapos...bigla siyang nagwala.

"Malakas na nga talaga ang tama ng babaeng 'to." Naiiling na sabi ni Paul.

"Malalang-malala na." Pagsang-ayon naman ni Kurt.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now