64: Finale

44K 1.1K 241
                                    

Meagan's POV

Hinang-hina ako kanina nang magising ako. Pagkatapos akong halikan kanina ni Van, nawalan na naman ako ng malay. Ilang buwan din siguro akong comatose kaya latang-lata ang mga binti ko, pati ang boses ko nanginginig. Parang napakatagal kong hindi nakapagsalita.

Nagising nalang ulit ako dahil sa ingay ng paligid. Nakahiga na naman ako. Ngawit na ngawit na ang likod ko sa kahihiga.

"Hi, wifey."

Boses 'yon ni Van. Ramdam ko ang mga palad niyang nakahawak sa akin. As usual, mainit pa rin ang mga ito katulad ng dati.

"H-Hi, M-My Man." Pinilit kong mangitian siya. Halik sa noo naman ang iginanti niya sa akin.

"Hi, chicha. Haw ar yu poooooo?"

Matinis na boses ng batang lalake ang narinig ko sa kaliwa ko. Nilingon ko siya. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

Hindi ko siya kilala.

"He's Kobe." Saad ni Van.

Nangunot naman ang noo ko. Wala akong maalalang Kobe.

"He's the son of Mr and Mrs San Andres. Anak nila Abbi, My wife."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at saka napatitig sa batang kanina pa nakangiti sa akin.

Shocks!

Kamukha nga siya ni Kurt na kahawig ni Abbi!



Paanong?!



"I-Ilang buwan lang a-akon—"

"You're 22 today, My wife. It's been 2 and a half years since the accident." Sabi ni Van.

Para akong natuyuan ng laway sa narinig ko.




Akala ko 18 pa rin ako.




2 and a half years?! Nasayang ang buhay ko nang mahigit dalawang taon!



"M-My Man..."

"Ate ko!!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang kung sinomang nagsisisigaw habang tumatakbong papalapit sa akin.

Tinitigan ko siya at halos mapamura na ako sa isip ko nang makilalang siya si Luke. Nagbago na ang boses at pangangatawan niya.

Binata na siya!

"Ate! Sa wakas naman at gumising kana. Akala ko ipapabunot mo na sa amin yang mga makinang nakakabit sa 'yo e." Sabi niya sa akin.

"Myghad, L-Luke! Binata kana."

"Compliment ba 'yan?"

"S-Syempre."

Hindi talaga ako makapaniwala. Ang laki ng ipinagbago ng mukha niya.

"Baklaaaaaaaaa!!"

Halos mabingi naman ako sa nagtititili na 'yon. Si Abbi. May hawak siyang tray ng inumin at nagmamadali ring makalapit sa akin.

"Jusko, bakla, akala ko matutulog ka nalang panghabambuhay. Nakakagulat ka!" Sabi pa niya.

Medyo tumaba siya. Sexy pa rin pero nagkalaman nang kaunti.

"Mamshie! Si Chicha dyi ako kilala." Sumbong ng anak niya sa kanya.

I still can't believe this! Nauna pa siya sa akin!

"Tulog mantika kasi 'yang tita mo. Hayaan mo pagbalik ng lakas niya, pwede mo na siyang sapakin."

Wow ha! Napakasupportive -_-

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant