61: We finally saw her

29.2K 707 167
                                    

A/N:

Pakiramdaman na ninyo ang nalalapit na katapusan mga mahal kong readers :) Nabuo ko na ang ending sa isipan ko and I am so excited to write all of it, at sana maisulat ko siya kagaya ng nasa isip ko hahaha.

Fean

"Where is she?!" Galit na tanong ni Uno kay Drake—Bagong pinuno ng Black Gang.

"Si Meg?" Kunot noong tanong nito.

Siya ang pumalit doon sa napatay ni Uno noong araw na nakidnap si Babs. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, bihira nalang namin makasagupa ang mga kampon nito. Mabuti nga ang ganon, sawang-sawa na ako sa mga isip bata nilang mga pakulo, mga gago!

"Sino pa ba sa tingin mo ang pag-aaksayahan ko ng panahon at oras dito?! Gago ka! Ilabas niyo siya at huwag na huwag niyong tangkain na sugatan maski dulo ng mga daliri niya dahil for Pete's sake, kahit pinsan kita, mapapatay kita!" Halos mapatid na ang  mga ugat ni Uno sa leeg sa sobrang galit.

"Bro, wala akong alam sa sinasabi mo." Kalmadong sagot nito. "And do you really think that I can hurt her? Idiot."

"Huwag mo 'kong ma-bro bro, gago! Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Who knows?! Wala namang nakakaalam sa kung ano ang itinatakbo ng utak mo! You don't know anything except of getting away everything I love!"

"Seriously, 'yan pa rin ang issue mo? Si Cindy pa rin?"

Mas lalong nag-init ang ulo ni Uno. Pinipigilan na siya nila Paul pero wala, ang pinuno ay mananatiling pinuno magbitiw man siya o hindi. Siya pa rin ang malakas.

"Uno, tama na. Hindi ito ang tamang oras para sa nakaraan ninyo!" Awat ni Harry. "Ang importante, mahanap natin si Babs! Siya ang pagtuunan natin ng pansin."

Hindi siya kinaya ni Harry. Nakawala pa rin ito at nakuwelyuhan pa rin niya si Drake. Wala namang ginawang kilos ang isa. Nakatingin lang sa kanya.

"Ilabas mo na siya!" Mariing sabi ulit ni Uno. Galit na galit siya, kitang-kita 'yon sa pagnginig ng mga alaga niyang daga sa braso.

Tangina naman kasi! Sino na naman ang gagong gagawa nito?! Ang palaging senyales ng pagkawala o pagkapahamak ni Babs noon ay ang pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan o tampuhan ni Uno pero ngayon, hindi naman sila nag-away pero bigla nalang siyang nawala. Mahirap rin palang wala kang nakabanggaang anomang gang, hindi ko maisip kung sino ang may gawa. Sakit sa ulo, poñeta!

"Sinabi ko nang hindi ko alam." Kalmado pa rin ito. Nakalagay pa sa loob ng bulsa ng pantalon ang mga kamay niya.

Marahas siyang binitiwan ni Uno. Inayos naman ni Drake ang kwelyo niya nang iiling-iling.

Halos mabaliw na si Uno dahil hindi na niya alam ang gagawin. Napapasabunot nalang siya sa ulo niya sa mga nangyayari. Pati tuloy kami natataranta na nang dahil sa kanya.

"Where the fvck is she?!" Sigaw niya sa kawalan. Para na siyang baliw.

"Van, balikan nalang muna natin sila Carlo. Mukhang wala naman talagang alam 'tong Black Gang e." Payo ni David.

"Kung hindi sila, sino?! May iba pa ba? May pagpipilian pa ba?! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakikita at hindi ko nasisiguradong okay siya!" Bulyaw nito.

After 3 years, ngayon nalang ulit namin nakitang naluha si Van. Mukha na naman siyang hopeless. Noong huli namin siyang nakitang ganyan, noong araw na mas pinili ni Cindy si Drake.

"If you want, we may help you. I am willing to find her for you." Alok ng pinsan niya.

Tumingin lang sa kanya si Van at saka ngumisi.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now