45: Kiss or Slap?

38.4K 1K 141
                                    

MEAGAN'S POV

Pagkatapos na pagkatapos na gamutin ang likod ko, patagilid akong nahiga sa kama.

Nakakapagod na gabi.

Pero...masaya ako dahil pakiramdam ko, medyo ayos na kami ni Van. Konting tiis nalang, magiging okay na kaming dalawa.

Wala pa rin akong balita sa kanya. Alam kong hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa kanya pero hindi pa rin ako mapakali.

Puntahan ko kaya siya? >.>

Tama! Pupuntahan ko si Van.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Dumiretso ako doon sa counter para alamin kung nasaang room si Van.

"Van Alvarez ho."

May tinignang papel yung Nurse doon at saka sinabi ang room na pinaglalagyan niya.

"Room 204 po, Miss."

"Salamat po."

Kaagad akong umakyat sa second floor para puntahan si Van. Hindi na kasi ako binalikan maski isa sa anim. Galit pa siguro sila sakin kaya hindi na nila ako kinumusta.

Habang naglalakad sa hallway, may napansin akong lalaking dahan dahang naglalakad hawak ang tagiliran niya. Wala siyang kasama. Madaling araw na rin kasi kaya naman wala na gaanong tao rito sa hallway. Nagsiuwi na siguro, at ang iba naman ay natulog na sa mga upuan na nandoon.

"Van!" Pabulong na sigaw ko.

Napatingin naman siya sa 'kin. At hindi ko mabasa sa mukha niya kung naiinis ba siya, naguguluhan, o natutuwa. Ang gulo ng ipinapakita niyang hitsura.

Lumapit ako sa kanya at saka siya inalalayan sa paglalakad niya.

"What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Pupuntahan sana kita e. Kaso...ikaw, saan ka pupunta?" Balik na tanong ko sa kanya.

"I am thinking of you for about 2 hours. Then..." Napansin kong napapairap siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin.

"Then what?"

"I decided to visit you at your room. But it seemed that, you're too excited to see me."

"H-Hindi a."

He wrapped his right arm on my hips at saka niya inilapit ang mukha niya sa 'kin. Pinaningkitan niya pa ako ng mata at saka ulit nagsalita.

"Really? You're not excited to see me?" Paninigurado niya pa.

"What I mean is, yes I'm excited, but not TOO excited." Sagot kong ganon.

"As if it has a difference." Umirap na naman siya sa'kin.

Ang sungit!

Mas inilapit pa niya ako sa kanya at saka niya isinandal ang ulo niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Let's go home. I want to rest."

"Pwede kang magpahinga sa kwarto mo dito sa ospital. Bakit kas—"

"I wanna go home!" Para siyang batang nagmamaktol dahil ayaw siyang bilhan ng kendi ng Mama niya. Ang isip bata naman ni Van ngayon.

"Come on, My lady, let's go home. Now. I want it now." Sabi na naman niya.

"Okay, okay, My Man."

Parang lumundag ang puso ko nang makita kong bahagyang napangiti si Van. Napangiti ko siya. Napangiti ko!

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now