11: Ruining The Date

47.6K 1.3K 39
                                    

A/N:

Here's an another update :) Sorry sa mga grammar error and salamat sa mga nagbabasa nito pati na rin sa mga nagcocomment. Mahal kayo ng nagmamagandang awtor :P

MEAGAN PEREZ' POV

"Good morning, Ate." Masiglang bati sa 'kin ni Luke pagkamulat na pagkamulat ko palang ng mata ko.

"What's on your face, Luke? Ang creepy mo >.>"

"Magkasama kayo ni Kuya Van buong gabi a." Sabi niya. Nagbigay pa siya ng makahulugang ngiti sa 'kin.

Oo nga pala, siya ang sumama sa 'kin dito. Nakakahiya, hindi man lang ako nakapag-thank you. (u_u)

"Anong ginawa niyo, Ate? <(‾‾)>"

"Anong, anong ginawa namin? -_- Umalis ka nga r'yan sa harap ko! Hwag mo 'kong istorbohin matutulog pa 'ko."

"Puro ka nalang tulog, kaya wala kang lovelife e."

Psh, bakit ba ipinasok na naman niya rito ang lovelife ko? -.-

Nagkatinginan kami ni Luke nang makarinig kami ng sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto namin.

"Buksan mo." Utos ko sa kanya.

Tumayo naman ako sa sofa na kinahihigaan ko.

"Ang aga pa a, sino kaya 'yan?" Tanong pa ni Luke sa sarili niya.

Agad-agad siyang lumakad papunta sa pinto at saka pinihit ang pihitan saka 'to binuksan.

Sino nga kaya ang kumakatok?

"Babs!"

Napabalikwas ako nang marinig ko ang sabay-sabay na pagtawag sa 'kin ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang tao.

Sila Gian, Fean, Harry, Kurt, at Paul pala. Anong ginagawa nila rito? O_o

"Anong ginagawa niyo rito?" I asked them.

Mga mukha silang hingal na hingal at mga nagpapanic.

"Kailangan na namin ang tulong mo, Babs. Sige na, please!" Si Kurt 'yon na inilapit nang sobra ang mukha sa 'kin.

"Lumayo ka nga!" Inilayo ko ang mukha niya sa 'kin sa pamamagitan ng kamay ko.

Bwisit, parang gusto na niya akong halikan e -.-

"Anong tulong ang kailangan niyo?"

Lumayo na rin naman si Kurt tapos, parang baliw na natataranta na palakad balik sa harapan ko.

"Yung tungkol sa pagiging acting girlfriend ni Van, Babs." Si Paul naman 'yon.

"Ngayon na?!" O_o

Nagsitanguan naman sila. Hinihila na nila ang braso ko.

"Nasaan na si Van?" Tanong ko.

"Pinuntahan na yung babae sa isang restaurant." — Fean

E nandon na naman pala siya e -_- Kung ayaw niya matuloy ang kasal niya, e di sana hindi siya nagpunta r'on. Anong klaseng utak ba meron ang taong 'yon? >.>

"Ano bang mangyayari kapag natuloy ang kasal ni Van?" Tanong ko pa.

"Mabubuwag ang gang. Ang Black Gang ang mamumuno sa buong lugar. Dadami ang gulo. At tiyak, maghahari-harian sila rito." Paliwanag ni Gian.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now