8: Bwisitors

50.3K 1.5K 135
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

"Ate, kilala ko na kung sinong nakatira r'yan sa tapat ng bahay natin. Si Kuya Van pala! Biruin mo 'yon, may kapitbahay na tayong astig." Sabi ni Luke.

Astig? Kailan naging astig 'yon? At bakit siya nakikikuya, kapatid niya? -_-

"Ano naman ngayon? Masaya ka naman noong nalaman mong siya yung nakatira r'on?" Pasarcastic na tanong ko. Hindi naman kasi ako interesado sa binubuksan niyang topic.

"Epal ka talaga, Ate. Makaalis na nga lang, magpapaturo nalang ako mag-COC kay kuya Van."

"Sige, alis. Lumabas ka na sa kwarto ko." Pagtataboy ko sa kanya.

Saan niya kaya nakilala si Van? Nako, baka isinasama niya na ang kapatid ko sa gulo o hindi naman kaya, nirerecruit niya sa gang nila!

Subukan niya lang, makakatikim ulit siya sa 'kin. Matitikman niya ang legendary upper cut ko na may twist!

"Kaya wala kang manliligaw Ate e. Ang sama ng ugali mo. Takot siguro mga lalake sa 'yo."

"Lumayas kana nga! Hiningi ko ba opinyon mo?" Binato ko pa siya ng unan kong parang hotdog.

"Psh. Sadista. Tomboy!" At tuluyan na siyang lumabas.

Nakinig nalang ako sa iPod ko.

Ganito ang gusto kong buhay, tahimik tapos walang nanggugulong nakababatang lalakeng kapatid at pitong gangster.

"Ate, tumayo ka!"

Biglang napamulat ang mata ko nang hampasin ako ni Luke ng unan. Tanginang 'yan, ang sakit a! Bwisit na 'to.

"Bakit ba, Lukas?! Papansin ka a, nakikita mo nang natutulog yung tao e!" Nakakainis, ang sakit tuloy ng ulo ko dahil sa biglaang paggising.

"May bisita tayo. Wala si Mommy kaya tulungan mo 'kong mag-asikaso."

"Asikasuhin mo sila mag-isa mo!" Tinakpan ko ang ulo ko ng unan at kumot. Kita nang inaantok pa yung tao e.

"Sige na naman, Ate. Please? Ang ganda-ganda at ang bait-bait mo talaga, Ate." Hinila pa niya ang kumot at unan na itinakip ko. Ang kulit ng lalakeng 'to.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nang-uto pa itong lalakeng 'to, tss.

Pasalamat siya, gumamit siya ng magic word. Ang salitang please.

"Fine! Umalis kana muna sa harap ko kung ayaw mong magbago ang isip ko."

"Yes! Thank you, Ate." Niyakap niya pa ako bago tumakbo palabas sa kwarto ko.

Nagpupuyod ako ng buhok habang bumababa sa hagdan papuntang sala. Hindi ko na nga sinuklay yung buhok ko e, diretso ipit na. Nag-inat pa ako ng katawan.

"Nice." May narinig akong pumalakpak.

"Cool, woke up like this." Mayroon din namang sumipol.

"Kaya pala kamukha ni Luke e. Ate niya pala."

"Astig 'to!"

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng mga boses. Ilan ba ang bisita ngayon ni Luke? At bakit parang ang boses ng mga 'yon ay hindi pang edad na katulad ng kay Luke na 13 years old?

Tinitigan ko ang mga lalakeng nakaupo sa sofa namin sa sala na nakatingin sa 'kin.

Ohmyghad! O_o

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang