20: I'm yours, you're mine

46.4K 1.2K 100
                                    

Meagan's Point of View

Hanggang ngayon tulala pa rin ako. Putik, I can't imagine myself while having sex with him. Like, ugh! A big no no! Hindi ako nag-iinarte pero, yuck lang talaga! Ang bata-bata ko pa para gawin 'yon!!!

"Iniisip mo ba yung ginawa natin kagabi, Babe?" Nakangisi na namang tanong niya. I know it, nang-aasar talaga siya.

"Shut your fvckin' mouth, Van Alvarez!" Minatahan ko siya. I want him to know na napipika ako.

"Bakit?" Tanong niyang ganon habang inaayos ang buhok sa salamin. "Dapat tine-treasure mo ang ganong memories sa buhay mo. Bihira lang ang nakararanas ng ganon kasama ako." Bitbit na naman niya yung nakakabwisit niyang ngisi. Animales de alvarez!

"Footspa, Van, tumigil ka na!" Nakakaasar na talaga, eh!

Iniabot niya sa 'kin yung damit kong kalalaba lang ng kasambahay niya. Isinuot ko 'to kaagad. Pagkabihis na pagkabihis ko, kaagad akong lumabas paalis sa peste niyang bahay.

Bwisit! Halata namang walang nangyari, eh. Dahil base sa mga nababasa ko, sumasakit yung down down there ng mga babae lalo na 'pag first time. Wala naman akong nararamdamang gano'n ngayon kaya imposible talaga yung sinasabi niya.

Pagkalabas ko ng pinto ng bahay niya ay tumingin ako sa buong paligid. Anakng! Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Saang lupalop ba ng daigdig ako dinala ng pesteng lalaking 'yon? Bakit ang dami niyang bahay, gaano ba siya kayaman?!

"Babe!"

Nilingon ko ang kalalabas lang ding si Van. Dala na niya yung school bag niya.

"What now?!" Sagot kong ganon habang nakataas ang kilay.

"Thanks for the night." Kumindat pa ang gago.

Letsugas de kamatis!!!!

"Ito ka." I pointed my middle finger to him. Dinilaan ko pa siya. Nakakabwisit na kasi talaga.

"Gustong-gusto ko talaga 'yang mga paglukot ng mukha mo. Lalo na kapag naiinis ka." Lumapit pa siya sa 'kin at saka pinisil ang kanang pisngi ko.

"Bitaw nga. Epal mo e 'no?" Hinampas ko pa ang kamay niya para lumubay siya sa mukha ko.

"Baliw ka naman! Iinom-inom hindi naman pala kaya." Tumingin pa siya nang masama sa 'kin. "Tara na ihahatid na kita sa inyo."

"Manigas ka, hindi ako sasabay sayo!"

"Wow, may choice ka ba?" Tumawa pa siya. Pvta! Ikaw na gwapo tumawa. Nakakainis kang gangster ka! Grr.

Ang sarap niyang sapakin!


"Alam mo bang hindi bagay sa 'yo maging tahimik?" Sabi ni Van habang ang tingin ay nasa daan. Nasa biyahe na kasi kami pauwi sa 'min at siya ang nagddrive malamang.

"Alam mo bang hindi rin bagay sa 'yo maging madaldal?" Linya ko sabay irap nang bongga.

"You know what, Babe? Hindi mo dapat dinidibdib ang nangyari kagabi. Bukod sa wala ka namang dibdib, wala rin akong balak na ipagkalat 'yung nangyari."

"Hindi nga sabi totoo 'yon!!! Palibhasa kasi, marami ka nang ikinamang babae kaya parang wala lang sa 'yo yung issue na gano'n."

"Para sabihin ko sa 'yo, ikaw ang nakauna sa 'kin. Navirgin-an mo 'ko, omighad!" Ginaya pa niya yung tono ng pananalita ko kapag sinasabi ko yung 'omighad'.

"Hindi ako naniniwala sa 'yong virgin ka pa, so please shut up!

"Bagay ka sa korte, mahilig kang mang-judge, eh."

"Bagay kang writer. Ang galing mong gumawa ng kwento, eh. Magmaneho ka na nga lang!!!"

Malayo-layo rin ang pinagdalhan sa 'kin ni Van. Ewan ko ba sa taong 'to, napaka raming bahay. Jusmiyo! Buti natatandaan niya lahat ng daan.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now