14: The Broken Promise

47.7K 1.3K 38
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

Kinabukasan, tanghali na nang makauwi ako sa bahay namin galing sa mala-palasyong bahay nila Van.

Ang walang hiyang Alvarez na 'yon, simula kagabi hindi na 'ko kinausap. Maski na nasa limousine na kami at magkatabi, parang anino lang siya r'on na hindi nagsasalita. >_<

Ugh! Nakakaasar talaga siya. Akala mo kung sino! Hindi tuloy ako nakapasok sa school dahil na-late na 'ko ng dalawang subject. Ni hindi man lang siya nagsorry sa pagkaabsent ko ngayon nang dahil sa kanya.

Nakapanggigigil! Ano bang problema no'n? Grr!

Heto tuloy ako at nakatengga rito sa bahay. Walang ginagawa. Hindi rin naman ako nasasayahan kapag nasa school ako pero, mas gugustuhin ko nang nando'n ako kaysa nandito. Atleast kasi don, may ginagawa. Dito sa bahay, nganga. ~O(>_<)O~

Tutal wala naman akong maisip na pwedeng gawin ngayon, maggogrocery na lang ako. Mauubos na rin naman ang stock namin sa ref. Kung hindi pa 'ko mamimili ngayon, wala na kaming makakain ni Luke pagdating ng mga susunod na araw.

Ang Mommy ko, hindi pa kami kinocontact ni Luke. Ni hindi man lang tumawag kahit na isang beses para mangumusta. Nakaka-touch. Namimiss ko na kaya siya! T_T

Inilista ko muna sa isang papel ang mga kailangang bilihin. Mga pagkain at toiletries, at saka ako kumuha ng pera at lumabas.

Yung kotse ni Mommy ang ginamit ko. Matagal-tagal na rin kasi 'tong naka-standby lang sa garahe. Baka mas masira lang kapag tinambak don dahil hindi na napapainitan ang makina. Meron pa namang natitirang kaunti sa allowance ko na pwedeng ipampaayos sa sasakyan na 'to kung sakali mang masira ko ulit. Pero syempre, hindi ko na hahayaan pang maulit uli 'yon.

"Can goods, check. Chocolates, check. Milks, check. Cereal oats, check. Coffees and sugar, check."

Isa-isa kong pinagche-check-an ang mga pagkain na nabili ko na. Halos nakumpleto ko na ang mga pangangailangan namin maliban sa isa.

Napkin. Nasabi ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa estante ng iba't ibang klaseng brand ng sanitary napkin. Hinanap ko ang brand kung saan ako hiyang.

"Look who's here."

Napalingon ako sa maarteng babae na nagsalita.

O! Si Poopoo girl. Sayang, wala ako sa mood na makipag-ututan sa kanya ngayon >.>

At, dahil sa wala akong balak na pansinin siya, kumuha nalang ako ng napkin ko tapos nilagay 'yon sa cart ko. Tinalikuran ko na siya at humakbang na 'ko paalis nang hilahin niya ang buhok ko nang pagkalakas lakas.

"Don't be so bastos, ha! I am talking to you so, wag mo 'kong tinatalikuran!" Bulyaw niya sa 'kin.

"I'm not in a mood to talk to a poof, understand? Stop pulling my hair or else papatulan kita!"

Nakakalokang babaeng tae 'to, nambibeastmode. >.<

"Sige, pumatol ka! Kung kaya mo." Parang full of confidence pang sabi niya.

Ah, gusto mo 'to ha!

Lalo niya pang hinihila ang buhok ko. Humarap ako sa kanya at hinila ko rin ang sa kanya. Nilakasan ko talaga, yung tipong siguradong-sigurado ako na may mabubunot akong hibla ng buhok sa anit niya.

"Ouch! Lemme go, stop!" Napabitaw na siya sa 'kin kaya naman binitiwan ko na rin siya.

Na-reach ko naman ang goal ko na malagasan siya ng iilang hibla ng buhok.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now