47: Pamamanhikan?

42.9K 982 88
                                    

Dedicated to kenSexy as you requested :P


MEAGAN'S POV

"Wow, Ate! Babae kana! Congratulations, sobrang proud ako sa 'yo!" Yan ang binungad sa akin ni Luke nang mabalitaan niya sa school na kami na ni Van. Ewan ko ba, napakabilis kumalat ng balita.

"Akala ko, tomboy ang Ate ko 〒▽〒 Buti nalang, dumating si Kuya Van sa buhay mo."

Nakatikim siya ng kutos sa akin. Napaka abnormal -_-

"Aray, Ate ha. Ang sadista mo. Baka sinasaktan mo din ang Kuya Van ko. Naku! Isusumbong talaga kita kay Daddy." Pananakot pa niya sa akin.

"Kurimaw ka, ano naman kung isumbong mo ako kay Daddy na sinasaktan ko si Van? Si Van ba ang anak niya ha? Ha?"

"Edi sa mga fangirls nalang ako ni Kuya Van magsusumbong para kalbuhin ka nila."

"Kapatid ba talaga kita? Bakit parang gusto mo akong kawawain? ╰_╯"

"Hindi a. Pinoprotektahan ko lang si Kuya Van sa kamay mong bakal." Dumila pa sa akin ang loko.

Umirap nalang ako sa kanya at saka siya nilayasan sa sala.

Maya-maya, tumunog ang phone ko.

Natawag pala si My Maaaaan *^O^*

"Hello?" Sagot kong ganon.

"Come on, let's eat."

"Saan?"

May date ba kami ngayon sa labas?

"Here. In our house."

"Baliw! Kasama ko si Luke. Alangan namang iwan ko siya rito?"

"Isama mo. Basta tara na. Bilis."

"Okay."

Pagkababang pagkababa ko sa tawag, nagbihis na ako ng damit at saka bumaba para tawagin sana si Luke. Kaso, mukhang mas ready pa siya kaysa sa akin.

"Tara na, Ate. Nagugutom na ako, siguradong pati si Kuya Van nagugutom na rin." Iniikot ikot pa niya ang isa niyang palad sa tiyan niya.

"Bakit alam mong doon tayo kakain?"

"Syempre! Kapatid muna bago girlfriend 'no."

"Wow a. Talaga ba? =_="

Nauna na siyang lumabas ng bahay. Sumunod na rin naman ako sa kanya. Siya pa ang nagbukas ng gate at pinto ni Van. Feeling bahay niya =___=

"Kuyaaa! Nandito na kami!" Sigaw pa niya nang makita niya si Van na nag-aayos ng makakain sa hapag.

"Take a seat, man." Sabi sa kanya ni Van. Nagfist to fist pa silang dalawa.

Natingin sa akin si Luke at sumesenyas na siyang maupo na ako sa tabi niya.

I just rolled my eyes on him at saka napailing. Paano ba naman kasi, pumi-feeling close talaga siya nang bongga. Akala mo e, malaki na rin siyang tao. Napaka isip bata naman at talagang ang lakas ng loob makipagrelasyon kay Pamela -_-

"Let us eat, My lady. Maupo kana rito."

"Dapat sa bahay nalang kami e. Nag-abala ka pa." Nakangusong sabi ko sa kanya.

"It's okay. Palagi kitang ipagluluto kaya masanay kana."

"Hwag kanang kumontra, Ate. Yung ibang lalaki nga diyan, girlfriend pa nila ang nag-aasikaso palagi e." Sabat ni Luke.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now